Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (198) Surah: Al-Baqarah
لَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَبۡتَغُواْ فَضۡلٗا مِّن رَّبِّكُمۡۚ فَإِذَآ أَفَضۡتُم مِّنۡ عَرَفَٰتٖ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ عِندَ ٱلۡمَشۡعَرِ ٱلۡحَرَامِۖ وَٱذۡكُرُوهُ كَمَا هَدَىٰكُمۡ وَإِن كُنتُم مِّن قَبۡلِهِۦ لَمِنَ ٱلضَّآلِّينَ
Hindi sa inyo isang kasalanan na maghanap kayo ng panustos na ipinahihintulot sa pamamagitan ng pangangalakal at iba pa rito sa panahon ng pagsasagawa ng ḥajj. Kaya kapag lumisan kayo mula sa `Arafāt, matapos ng pagtigil ninyo roon sa araw ng ikasiyam habang mga dumadako sa Muzdalifah sa gabi ng ikasampu ng Dhulḥijjah, ay alalahanin ninyo si Allāh sa pamamagitan ng tasbīḥ (pagsabi ng subḥāna-llāh), tahlīl (pagsabi ng lā ilāha illa-llāh), at pagdalangin sa tabi ng Bantayog na Pinakababanal sa Muzdalifah. Alalahanin ninyo si Allāh dahil sa kapatnubayan Niya sa inyo tungo sa mga palatandaan ng Relihiyon Niya at mga gawaing-pagsamba ng ḥajj sa Bahay Niya sapagkat kayo nga noon bago pa niyon ay kabilang sa mga nalilingat sa Batas Niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• يجب على المؤمن التزود في سفر الدنيا وسفر الآخرة، ولذلك ذكر الله أن خير الزاد هو التقوى.
Kinakailangan sa mananampalataya ang magbaon sa paglalakbay sa Mundo at paglalakbay sa Kabilang-buhay, at dahil doon ay binanggit ni Allāh na ang pinakamabuting baon ay ang pangingilag magkasala.

• مشروعية الإكثار من ذكر الله تعالى عند إتمام نسك الحج.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpaparami ng pag-alaala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa sandali ng paglulubos sa gawaing-pagsamba ng ḥajj

• اختلاف مقاصد الناس؛ فمنهم من جعل همّه الدنيا، فلا يسأل ربه غيرها، ومنهم من يسأله خير الدنيا والآخرة، وهذا هو الموفَّق.
Ang pagkakaiba-iba ng mga pakay ng mga tao kaya mayroon sa kanila na ginawang alalahanin niya ang Mundo kay hindi humihiling sa Panginoon niya ng iba pa rito at mayroon sa kanila na humihiling ng mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay, at ito ay ang naitutuon sa tama.

 
Translation of the meanings Ayah: (198) Surah: Al-Baqarah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close