Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (133) Surah: Tā-ha
وَقَالُواْ لَوۡلَا يَأۡتِينَا بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّهِۦٓۚ أَوَلَمۡ تَأۡتِهِم بَيِّنَةُ مَا فِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ
Nagsabi itong mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagpasinungaling sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan: "Bakit kaya hindi nagdala sa atin si Muḥammad ng isang palatandaan mula sa Panginoon niya, na nagpapatunay sa katapatan niya at na siya ay isang sugo? Hindi ba dumating sa mga tagapagpasinungaling na ito ang Qur'ān na siyang pagpapatotoo sa mga kasulatang makalangit bago pa nito?"
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• من الأسباب المعينة على تحمل إيذاء المعرضين استثمار الأوقات الفاضلة في التسبيح بحمد الله.
Kabilang sa mga kadahilanang tagatulong sa pagbata sa pananakit ng mga tagaayaw ang pamumuhunan ng mga oras na mainam sa pagluluwalhati kalakip ng papuri kay Allāh.

• ينبغي على العبد إذا رأى من نفسه طموحًا إلى زينة الدنيا وإقبالًا عليها أن يوازن بين زينتها الزائلة ونعيم الآخرة الدائم.
Nararapat sa tao, kapag nakakita siya mula sa sarili niya ng isang ambisyon sa gayak ng Mundo at isang pagkahumaling dito, na magtimbang siya sa pagitan ng gayak nitong naglalaho at kaginhawahang namamalagi ng Kabilang-buhay.

• على العبد أن يقيم الصلاة حق الإقامة، وإذا حَزَبَهُ أمْر صلى وأَمَر أهله بالصلاة، وصبر عليهم تأسيًا بالرسول صلى الله عليه وسلم.
Kailangan sa tao na magpanatili ng pagdarasal ayon sa totoong pagpapanatili. Kapag tumindi sa kanya ang isang pangyayari ay magdarasal siya at mag-uutos siya sa mag-anak niya ng pagdarasal. Magtitiis siya sa kanila bilang pagtulad sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.

• العاقبة الجميلة المحمودة هي الجنة لأهل التقوى.
Ang kahihinatnang magandang pinupuri ay ang Paraiso para sa mga alagad ng pangingilag magkasala.

 
Translation of the meanings Ayah: (133) Surah: Tā-ha
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close