Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Al-Mu’minūn   Ayah:
مَا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ
Hindi nakauuna ang anumang kalipunan kabilang sa mga kalipunang tagapagpasinungaling na ito sa oras na tinakdaan para sa pagdating ng kapahamakan nito at hindi naaantala ito, maging anuman ang mga kaparaanang mayroon ang mga ito.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا تَتۡرَاۖ كُلَّ مَا جَآءَ أُمَّةٗ رَّسُولُهَا كَذَّبُوهُۖ فَأَتۡبَعۡنَا بَعۡضَهُم بَعۡضٗا وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَحَادِيثَۚ فَبُعۡدٗا لِّقَوۡمٖ لَّا يُؤۡمِنُونَ
Pagkatapos nagpadala Kami ng mga sugo Namin na mga nagkakasunuran: isang sugo kasunod ng isang sugo. Sa tuwing dumarating sa isang kalipunan kabilang sa mga kalipunang iyon ang sugo nitong ipinadala rito ay nagpapasinungaling sila rito. Kaya nagpasunod Kami sa iba sa kanila ng iba pa kalakip ng kapahamakan kaya walang natira sa kanila na kairalan maliban sa mga usapan ng mga tao tungkol sa kanila. Kaya kapahamakan ay ukol sa mga taong hindi sumasampalataya sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila mula sa ganang Panginoon nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ وَأَخَاهُ هَٰرُونَ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ
Pagkatapos nagpadala Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron kalakip ng siyam na tanda Namin (ang tungkod, ang kamay, ang balang, ang mga kuto, ang mga palaka, ang dugo, ang baha, ang tagtuyot,ang pagkabawas ng mga bunga) at isang katwirang maliwanag.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمًا عَالِينَ
Nagpadala Kami sa kanilang dalawa kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao nito ngunit nagmalaki sila sapagkat hindi sila nagpaakay sa paniniwala sa dalawa. Sila noon ay mga taong nagmamataas sa mga tao sa pamamagitan ng panlulupig at kawalang-katarungan.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَقَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ لِبَشَرَيۡنِ مِثۡلِنَا وَقَوۡمُهُمَا لَنَا عَٰبِدُونَ
Kaya nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa dalawang taong tulad namin, na walang pagkatangi sa kanilang dalawa higit sa amin, samantalang ang mga kalipi nilang dalawa (ang mga anak ni Israel) sa amin ay mga tagatalima na mga tagapagpasakop?"
Arabic explanations of the Qur’an:
فَكَذَّبُوهُمَا فَكَانُواْ مِنَ ٱلۡمُهۡلَكِينَ
Kaya nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa sa inihatid nilang dalawa mula sa ganang kay Allāh kaya sila, dahilan sa pagpapasinungaling nila, ay naging kabilang sa mga ipinahahamak sa pamamagitan ng pagkalunod.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ لَعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah sa pag-asang mapatnubayan sa pamamagitan nito ang mga kalipi niya tungo sa katotohanan at gumawa sila ayon dito.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَعَلۡنَا ٱبۡنَ مَرۡيَمَ وَأُمَّهُۥٓ ءَايَةٗ وَءَاوَيۡنَٰهُمَآ إِلَىٰ رَبۡوَةٖ ذَاتِ قَرَارٖ وَمَعِينٖ
Gumawa Kami kay Jesus na anak ni Maria at ina niyang si Maria bilang palatandaang nagpapatunay sa kakayahan Namin sapagkat ipinagbuntis nito siya nang walang ama. Nagkanlong Kami sa kanilang dalawa sa isang pook na mataas sa lupa, patag na naaangkop sa pananatili roon, na may tubig na dumadaloy nang tuluy-tuloy.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلرُّسُلُ كُلُواْ مِنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَٱعۡمَلُواْ صَٰلِحًاۖ إِنِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ عَلِيمٞ
O mga sugo, kumain kayo mula sa ipinahintulot para sa inyo kabilang sa itinuturing na kaaya-aya ang pagkain niyon, at gumawa kayo ng maayos na umaalinsunod sa Batas. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo na gawain ay Maalam: walang nakakukubli sa Akin mula sa mga gawa ninyo na anuman.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّ هَٰذِهِۦٓ أُمَّتُكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَأَنَا۠ رَبُّكُمۡ فَٱتَّقُونِ
Tunay na ang kapaniwalaan ninyo, O Sugo, ay kapaniwalaang nag-iisa, ang Islām, at Ako ay Panginoon ninyo – walang Panginoon para sa inyo na iba pa sa Akin – kaya mangilag kayong magkasala sa Akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَتَقَطَّعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡ زُبُرٗاۖ كُلُّ حِزۡبِۭ بِمَا لَدَيۡهِمۡ فَرِحُونَ
Ngunit nagkahati-hati sa relihiyon ang mga tagasunod nila matapos nila kaya sila ay naging mga lapian at mga kampihan. Bawat lapian ay humahanga sa pinaniniwalaan nito, na ito raw ay ang relihiyong kinalulugdan sa ganang kay Allāh, at hindi pumapansin sa anumang nasa ganang iba pa rito.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَذَرۡهُمۡ فِي غَمۡرَتِهِمۡ حَتَّىٰ حِينٍ
Kaya iwan mo sila, O Sugo, sa anumang nasa kanila na kamangmangan at pagkalito hanggang sa panahon ng pagbaba ng pagdurusa sa kanila.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَيَحۡسَبُونَ أَنَّمَا نُمِدُّهُم بِهِۦ مِن مَّالٖ وَبَنِينَ
Nagpapalagay ba itong mga lapiang natutuwa sa taglay nila na ang ibinibigay Namin sa kanila na mga yaman at mga anak sa buhay na pangmundo ay pagmamadali ng kabutihan para sa kanila, na nagiging karapat-dapat sila roon? Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay nila. Nagbibigay lamang Kami sa kanila niyon bilang pagpupuno at pagpapain para sa kanila subalit sila hindi nakadarama niyon.
Arabic explanations of the Qur’an:
نُسَارِعُ لَهُمۡ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِۚ بَل لَّا يَشۡعُرُونَ
Nagpapalagay ba itong mga lapiang natutuwa sa taglay nila na ang ibinibigay Namin sa kanila na mga yaman at mga anak sa buhay na pangmundo ay pagmamadali ng kabutihan para sa kanila, na nagiging karapat-dapat sila roon? Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay nila. Nagbibigay lamang Kami sa kanila niyon bilang pagpupuno at pagpapain para sa kanila subalit sila hindi nakadarama niyon.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ ٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ خَشۡيَةِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ
Tunay na silang kalakip ng pananampalataya nila at paggawa nila ng maganda ay mga nasisindak sa Panginoon nila,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلَّذِينَ هُم بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ يُؤۡمِنُونَ
na silang sa mga tanda ng Kasulatan Niya ay sumasampalataya,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلَّذِينَ هُم بِرَبِّهِمۡ لَا يُشۡرِكُونَ
na silang naniniwala sa kaisahan ng Panginoon nila ay hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman,
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• الاستكبار مانع من التوفيق للحق.
Ang pagmamalaki ay tagahadlang sa pagkakatuon sa katotohanan.

• إطابة المأكل له أثر في صلاح القلب وصلاح العمل.
Ang pagpapabuti sa pagkain ay may epekto sa kaayusan ng puso at kaayusan ng gawain.

• التوحيد ملة جميع الأنبياء ودعوتهم.
Ang Tawḥīd ay kapaniwalaan ng lahat ng mga propeta at paanyaya nila.

• الإنعام على الفاجر ليس إكرامًا له، وإنما هو استدراج.
Ang pagbibiyaya sa masamang-loob ay hindi pagpaparangal sa kanya; ito ay pagpapain lamang.

 
Translation of the meanings Surah: Al-Mu’minūn
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close