Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Āl-‘Imrān   Ayah:
وَكَيۡفَ تَكۡفُرُونَ وَأَنتُمۡ تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ وَفِيكُمۡ رَسُولُهُۥۗ وَمَن يَعۡتَصِم بِٱللَّهِ فَقَدۡ هُدِيَ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Papaano kayong tumatangging sumampalataya kaya Allāh matapos ng pagsampalataya ninyo sa Kanya samantalang kasama ninyo ang kadahilanang pinakasukdulan para sa katatagan sa pananampalataya sapagkat ang mga tanda ni Allāh ay binibigkas sa inyo at ang Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ay naglilinaw sa mga ito para sa inyo? Ang sinumang kumakapit sa Aklat ni Allāh at sa Sunnah ng Sugo Niya ay nagtuon nga si Allāh sa kanya tungo sa daang tuwid na walang kabaluktutan.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ حَقَّ تُقَاتِهِۦ وَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسۡلِمُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, mangamba kayo sa Panginoon ninyo nang totoong pangangamba. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at pasasalamat sa Kanya sa mga biyaya Niya. Kumapit kayo sa relihiyon ninyo hanggang sa dumating sa inyo ang kamatayan habang kayo ay nasa [kalagayang] iyon.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱعۡتَصِمُواْ بِحَبۡلِ ٱللَّهِ جَمِيعٗا وَلَا تَفَرَّقُواْۚ وَٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ كُنتُمۡ أَعۡدَآءٗ فَأَلَّفَ بَيۡنَ قُلُوبِكُمۡ فَأَصۡبَحۡتُم بِنِعۡمَتِهِۦٓ إِخۡوَٰنٗا وَكُنتُمۡ عَلَىٰ شَفَا حُفۡرَةٖ مِّنَ ٱلنَّارِ فَأَنقَذَكُم مِّنۡهَاۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Humawak kayo, O mga mananampalataya, sa Qur'ān at Sunnah at huwag kayong gumawa ng magsasadlak sa inyo sa pagkakahati-hati. Alalahanin ninyo ang pagbiyaya ni Allāh sa inyo. Nang kayo dati ay magkakaaway bago ng Islām, na mga nag-aawayan dahil sa pinakakaunti sa mga dahilan, ay nagbuklod Siya sa mga puso ninyo sa pamamagitan ng Islām kaya kayo dahil sa kabutihang-loob Niya ay naging magkakapatid sa relihiyon, na mga nag-aawaan, na mga nagpapayuhan. Kayo dati bago niyon ay mga nalalapit sa pagpasok sa Apoy dahil sa kawalang-pananampalataya ninyo ngunit nagligtas sa inyo si Allāh mula roon sa pamamagitan ng Islām at nagpatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya. Kung paanong naglinaw para sa inyo si Allāh nito, naglilinaw Siya para sa inyo ng makabubuti sa mga kalagayan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay upang mapatnubayan kayo tungo sa daan ng pagkagabay at tumahak kayo sa landas ng pagpapakatuwid.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلۡتَكُن مِّنكُمۡ أُمَّةٞ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلۡخَيۡرِ وَيَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Magkaroon kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, ng isang pangkat na nag-aanyaya tungo sa bawat mabuting iniibig ni Allāh, na nag-uutos sa nakabubuti na pinatunayan ng Batas ng Islām at minamabuti ng isip; at sumasaway sa nakasasama na sinaway ng Batas ng Islām at minasama ng isip. Ang mga nailalarawan sa katangiang ito ay ang mga alagad ng ganap na tagumpay sa Mundo at Kabilang-buhay.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ تَفَرَّقُواْ وَٱخۡتَلَفُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Huwag kayo, O mga mananampalataya, maging tulad sa mga May Kasulatan na mga nagkahati-hati kaya naging mga lapian at mga sekta, at nagkaiba-iba sa relihiyon nila mula ng matapos na dumating sa kanila ang mga maliwanag na tanda mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Ang mga nabanggit na iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang sukdulan mula kay Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَوۡمَ تَبۡيَضُّ وُجُوهٞ وَتَسۡوَدُّ وُجُوهٞۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱسۡوَدَّتۡ وُجُوهُهُمۡ أَكَفَرۡتُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Magaganap sa kanila ang pagdurusang sukdulan na ito sa Araw ng Pagbangon kapag mamumuti ang mga mukha ng mga alagad ng pananampalataya dahil sa tuwa at kaligayahan at mangingitim ang mga mukha ng mga tagatangging sumampalataya dahil sa lungkot at lumbay. Tungkol sa mangingitim ang mga mukha nila sa Dakilang Araw na iyon, sasabihin sa kanila bilang pagpula sa kanila: "Tumanggi ba kayong sumampalataya sa kaisahan ni Allāh at sa tipan na tinanggap Niya sa inyo na hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman matapos ng paniniwala ninyo at pagkilala ninyo?" Kaya lasapin ninyo ang pagdurusang dulot ni Allāh na inihanda Niya para sa inyo dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱبۡيَضَّتۡ وُجُوهُهُمۡ فَفِي رَحۡمَةِ ٱللَّهِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Tungkol naman sa mamumuti ang mga mukha nila, ang pananatilihan nila ay ang mga hardin ng kaginhawahan bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman, sa isang kaginhawahang hindi matitigil at hindi magbabago.
Arabic explanations of the Qur’an:
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ نَتۡلُوهَا عَلَيۡكَ بِٱلۡحَقِّۗ وَمَا ٱللَّهُ يُرِيدُ ظُلۡمٗا لِّلۡعَٰلَمِينَ
Iyon ay ang mga tandang naglalaman ng pangako ni Allāh at banta Niya. Binibigkas ang mga ito sa iyo, O Propeta, ayon sa katapatan sa mga panuto at katarungan sa mga patakaran. Hindi si Allāh nagnanais ng paglabag sa katarungan para sa alinman sa isa sa mga nilalang, bagkus hindi Siya nagpaparusa sa isa man malibang dahil sa kinamit ng kamay nito.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• متابعة أهل الكتاب في أهوائهم تقود إلى الضلال والبعد عن دين الله تعالى.
Ang pagsunod ng mga May Kasulatan sa mga pithaya nila ay umaakay sa pagkaligaw at pagkakalayo sa relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الاعتصام بالكتاب والسُّنَّة والاستمساك بهديهما أعظم وسيلة للثبات على الحق، والعصمة من الضلال والافتراق.
Ang pangungunyapit sa Qur'ān at Sunnah at ang paghawak sa patnubay ng dalawang ito ay pinakasukdulang kaparaanan sa pagpapakatatag sa katotohanan at pagkakapangalaga sa pagkaligaw at pagkakahati-hati.

• الافتراق والاختلاف الواقع في هذه الأمة في قضايا الاعتقاد فيه مشابهة لمن سبق من أهل الكتاب.
Ang pagkakahati-hati at ang pagkakaiba-ibang nagaganap sa Kalipunang ito sa mga usapin ng paniniwala ay may pagwawangis sa naunang kabilang sa mga May Kasulatan.

• وجوب الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر؛ لأن به فلاح الأمة وسبب تميزها.
Ang pagkatungkulin ng pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama dahil sa pamamagitan nito ang tagumpay ng Kalipunang Islām at dahilan ng pagkakatangi nito.

 
Translation of the meanings Surah: Āl-‘Imrān
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close