Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (120) Surah: Āl-‘Imrān
إِن تَمۡسَسۡكُمۡ حَسَنَةٞ تَسُؤۡهُمۡ وَإِن تُصِبۡكُمۡ سَيِّئَةٞ يَفۡرَحُواْ بِهَاۖ وَإِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ لَا يَضُرُّكُمۡ كَيۡدُهُمۡ شَيۡـًٔاۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا يَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ
Kung may dumadapo sa inyo, O mga mananampalataya, na isang biyaya dahil sa pagwawagi sa kaaway o pagkadagdag sa yaman at anak ay dumadapo sa kanila ang pagkabahala at ang lungkot. Kung may dumadapo sa inyo na isang kasawian dahil sa pagwawagi ng kaaway o pagkabawas sa yaman at anak ay natutuwa sila dahil doon at nagagalak sa kapighatian ninyo. Kung magtitiis kayo sa mga ipinag-uutos Niya at mga pagtatakda Niya at mangingilag kayo sa galit Niya sa inyo ay hindi pipinsala sa inyo ang pakana nila at ang pananakit nila. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa nila na pakana ay sumasaklaw at magtutulak sa kanila na mga nabibigo.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• نَهْي المؤمنين عن موالاة الكافرين وجَعْلهم أَخِلّاء وأصفياء يُفْضَى إليهم بأحوال المؤمنين وأسرارهم.
Ang pagsaway sa mga mananampalataya sa pakikipagtangkilik sa mga tagatangging sumampalataya at paggawa sa kanila bilang mga matalik na kaibigan at mga piling kapanalig, na ipinababatid sa kanila ang mga kalagayan ng mga mananampalataya at mga lihim ng mga ito.

• من صور عداوة الكافرين للمؤمنين فرحهم بما يصيب المؤمنين من بلاء ونقص، وغيظهم إن أصابهم خير.
Kabilang sa mga anyo ng pagkamuhi ng mga tagatangging sumampalataya sa mga mananampalataya ay ang pagkatuwa nila sa dumapo sa mga mananampalataya na pagsubok at kakulangan, at ang pagkangitngit nila kung may dumapo sa mga ito na mabuti.

• الوقاية من كيد الكفار ومكرهم تكون بالصبر وعدم إظهار الخوف، ثم تقوى الله والأخذ بأسباب القوة والنصر.
Ang pananggalang laban sa pakana ng mga tagatangging sumampalataya at panlalansi nila ay sa pamamagitan ng pagtitiis at hindi pagpapakita ng pangamba, pagkatapos pangingilag sa pagkakasala kay Allāh at paggamit ng mga kaparaanan ng lakas at pagwawagi.

 
Translation of the meanings Ayah: (120) Surah: Āl-‘Imrān
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close