Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (193) Surah: Āl-‘Imrān
رَّبَّنَآ إِنَّنَا سَمِعۡنَا مُنَادِيٗا يُنَادِي لِلۡإِيمَٰنِ أَنۡ ءَامِنُواْ بِرَبِّكُمۡ فَـَٔامَنَّاۚ رَبَّنَا فَٱغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَا وَكَفِّرۡ عَنَّا سَيِّـَٔاتِنَا وَتَوَفَّنَا مَعَ ٱلۡأَبۡرَارِ
Panginoon namin, tunay na kami ay duminig sa isang tagaanyaya sa pananampalataya – ang Propeta Mong si Muḥammad, ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – na nag-aanyaya habang nagsasabi: "Sumampalataya kayo kay Allāh, ang Panginoon ninyo, bilang iisang Diyos." Kaya sumampalataya kami sa ipinaaanyaya niya at sumunod kami sa Batas niya kaya magtakip Ka sa mga pagkakasala namin para hindi Ka magpahiya sa amin, magpalampas Ka sa mga masagwang gawa namin para hindi Ka manisi sa amin dahil sa mga ito, at magpapanaw Ka sa amin kasama sa mga maayos sa pamamagitan ng pagtutuon sa amin sa paggawa ng mga kabutihan at pag-iwan sa mga masagwang gawa."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• من صفات علماء السوء من أهل الكتاب: كتم العلم، واتباع الهوى، والفرح بمدح الناس مع سوء سرائرهم وأفعالهم.
Kabilang sa mga katangian ng mga maalam ng kasagwaan kabilang sa mga May Kasulatan ay ang pagtatago ng kaalaman, ang pagsunod sa pithaya, at ang pagkatuwa sa papuri ng mga tao sa kabila ng kasagwaan ng mga lihim nila at mga gawain nila.

• التفكر في خلق الله تعالى في السماوات والأرض وتعاقب الأزمان يورث اليقين بعظمة الله وكمال الخضوع له عز وجل.
Ang pag-iisip-isip kaugnay sa paglikha ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga langit at lupa at pagsusunuran ng mga panahon ay nagsasanhi ng katiyakan sa kadakilaan ni Allāh at kalubusan ng pagpapakumbaba sa Kanya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

• دعاء الله وخضوع القلب له تعالى من أكمل مظاهر العبودية.
Ang pagdalangin kay Allāh at ang pagpapakumbaba ng puso sa Kanya – pagkataas-taas Siya – ay bahagi ng pinakalubos na mga aspeto ng pagkamananamba.

 
Translation of the meanings Ayah: (193) Surah: Āl-‘Imrān
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close