Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (98) Surah: Āl-‘Imrān
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَٱللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo, O Propeta: "O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, bakit kayo nagkakaila sa mga patunay sa katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan? – na kabilang sa mga ito ay patunay na nasaad sa Torah at Ebanghelyo, samantalang si Allāh ay tagabatid sa gawain ninyong ito, tagasaksi rito at gaganti Siya sa inyo dahil dito?"
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• كَذِبُ اليهود على الله تعالى وأنبيائه، ومن كذبهم زعمهم أن تحريم يعقوب عليه السلام لبعض الأطعمة نزلت به التوراة.
Ang kasinungalingan ng mga Hudyo laban kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at sa mga propeta Niya. Kabilang sa pagsisinungaling nila ang pag-aangkin nila na ang pagbabawal ni Jacob – sumakanya ang pangangalaga – sa ilan sa mga pagkain ay ibinaba ng Torah.

• أعظم أماكن العبادة وأشرفها البيت الحرام، فهو أول بيت وضع لعبادة الله، وفيه من الخصائص ما ليس في سواه.
Ang pinakadakila sa mga lugar ng pagsamba at ang pinakamarangal sa mga ito ay ang Bahay na Pinakababanal sapagkat ito ay kauna-unahang bahay na itinalaga para sa pagsamba kay Allāh at mayroon itong mga katangiang wala sa iba pa rito.

• ذَكَرَ الله وجوب الحج بأوكد ألفاظ الوجوب تأكيدًا لوجوبه.
Ang pagbanggit ni Allāh sa pagkatungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj sa pamamagitan ng pinakatiyak sa mga pananalita ng pagkatungkulin ay bilang pagtitiyak sa pagkatungkulin nito.

 
Translation of the meanings Ayah: (98) Surah: Āl-‘Imrān
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close