Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (26) Surah: Al-Ahzāb
وَأَنزَلَ ٱلَّذِينَ ظَٰهَرُوهُم مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ مِن صَيَاصِيهِمۡ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلرُّعۡبَ فَرِيقٗا تَقۡتُلُونَ وَتَأۡسِرُونَ فَرِيقٗا
Nagpababa si Allāh sa mga tumulong sa kanila kabilang sa mga Hudyo mula sa mga kuta ng mga iyon na pinagkukutahan nila laban sa kaaway ng mga iyon. Pumukol Siya ng pangamba sa mga sarili ng mga iyon kaya may isang pangkat na pinapatay ninyo, O mga mananampalataya, at may isang pangkat na binibihag ninyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• تزكية الله لأصحاب رسول الله صلى الله عليه وسلم ، وهو شرف عظيم لهم.
Ang pagpapahayag ni Allāh ng katinuan ng mga Kasamahan ng Sugo Niya – pagpalain Niya ito at pangalagaan. Ito ay isang karangalang sukdulan para sa kanila.

• عون الله ونصره لعباده من حيث لا يحتسبون إذا اتقوا الله.
Ang tulong ni Allāh at ang pag-aadya Niya para sa mga lingkod Niya mula sa kung saan hindi nila inaasahan kapag nangilag silang magkasala sa Kanya.

• سوء عاقبة الغدر على اليهود الذين ساعدوا الأحزاب.
Ang kasagwaan ng kahihinatnan ng pagtataksil para sa mga Hudyo na umalalay sa mga lapian.

• اختيار أزواج النبي صلى الله عليه وسلم رضا الله ورسوله دليل على قوة إيمانهنّ.
Ang pagpili ng mga maybahay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kaluguran ni Allāh at kaluguran ng Sugo Niya ay isang patunay sa lakas ng pananampalataya nila.

 
Translation of the meanings Ayah: (26) Surah: Al-Ahzāb
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close