Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (38) Surah: Al-Ahzāb
مَّا كَانَ عَلَى ٱلنَّبِيِّ مِنۡ حَرَجٖ فِيمَا فَرَضَ ٱللَّهُ لَهُۥۖ سُنَّةَ ٱللَّهِ فِي ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلُۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ قَدَرٗا مَّقۡدُورًا
Hindi nangyaring kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay may anumang kasalanan o panggigipit kaugnay sa ipinahintulot ni Allāh na pagpapakasal sa [dating] maybahay ng anak niya sa pag-aampon. Siya, kaugnay roon, ay sumusunod sa kalakaran ng mga propeta bago pa niya sapagkat siya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi kauna-unahan sa mga sugo kaugnay roon. Laging ang itinatadhana ni Allāh – na pagsasagawa ng kasal na ito at pagpapawalang-saysay sa pag-aampon samantalang ang Propeta ay hindi nagkaroon dito ng opinyon o mapagpipilian – ay isang pagtatadhanang matutupad, na walang makahahadlang dito.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• وجوب استسلام المؤمن لحكم الله والانقياد له.
Ang pagkatungkulin ng pagsuko ng mananampalataya sa kahatulan ni Allāh at ang pagpapaakay sa Kanya.

• اطلاع الله على ما في النفوس.
Ang pagkabatid ni Allāh sa anumang nasa mga kaluluwa.

• من مناقب أم المؤمنين زينب بنت جحش: أنْ زوّجها الله من فوق سبع سماوات.
Kabilang sa mga tampok na katangian ng ina ng mga mananampalataya na si Zaynab bint Jaḥsh ay na ipinakasal siya ni Allāh mula sa ibabaw ng pitong langit.

• فضل ذكر الله، خاصة وقت الصباح والمساء.
Ang kalamangan ng pag-alaala kay Allāh, lalo na sa oras ng umaga at gabi.

 
Translation of the meanings Ayah: (38) Surah: Al-Ahzāb
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close