Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: As-Sāffāt   Ayah:
فَلَمَّآ أَسۡلَمَا وَتَلَّهُۥ لِلۡجَبِينِ
Kaya noong nagpasakop silang dalawa kay Allāh at nagpaakay silang dalawa kay Allāh , inilapag ni Abraham ang anak niya sa tagiliran ng noo nito upang ipatupad ang ipinag-utos sa kanya na pagkatay rito.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَنَٰدَيۡنَٰهُ أَن يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُ
Nanawagan kay Abraham habang siya ay nagbabalak ng pagpapatupad sa utos ni Allāh na pagkatay sa anak niya: "O Abraham,
Arabic explanations of the Qur’an:
قَدۡ صَدَّقۡتَ ٱلرُّءۡيَآۚ إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Tinotoo mo nga ang panaginip na nakita mo sa pagtulog mo sa pamamagitan ng pagtitika mo sa pagkatay sa anak mo. Tunay na Kami – kung paanong gumanti Kami sa iyo sa pamamagitan ng pagpapaalpas sa iyo mula sa sukdulang pagsusulit na ito – ay gaganti sa mga tagagawa ng maganda para magpaalpas Kami sa kanila mula sa mga pagsusulit at mga kasawiangpalad."
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡبَلَٰٓؤُاْ ٱلۡمُبِينُ
Tunay na ito ay talagang ang pagsusulit na maliwanag. Nakapasa nga si Abraham dito.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَفَدَيۡنَٰهُ بِذِبۡحٍ عَظِيمٖ
Tumubos Kami kay Ismael sa pamamagitan ng isang tupang dakila bilang pamalit sa kanya, na kakatayin kapalit sa kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Nagpamalagi Kami para kay Abraham ng isang pagbubunying maganda sa mga kalipunang kasunod.
Arabic explanations of the Qur’an:
سَلَٰمٌ عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ
Isang pagbati mula kay Allāh sa kanya at isang panawagan ng kaligtasan mula sa bawat pinsala at kasiraan.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Kung paanong gumanti Kami kay Abraham ng ganting ito sa pagtalima niya, gaganti Kami sa mga tagagawa ng maganda.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na si Abraham ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya na tumutupad sa hinihiling ng pagpapakaalipin kay Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَبَشَّرۡنَٰهُ بِإِسۡحَٰقَ نَبِيّٗا مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Nagbalita Kami sa kanya ng nakalulugod hinggil sa isa pang anak na magiging isang propeta at isang lingkod na maayos. Siya ay si Isaac, bilang ganti sa pagtalima niya kay Allāh sa [kahandaang] mag-alay kay Ismael, ang anak niyang kaisa-isa noon.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَبَٰرَكۡنَا عَلَيۡهِ وَعَلَىٰٓ إِسۡحَٰقَۚ وَمِن ذُرِّيَّتِهِمَا مُحۡسِنٞ وَظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ مُبِينٞ
Nagpababa Kami sa kanya at sa anak niyang si Isaac ng isang pagpapala mula sa Amin, saka nagparami Kami para sa kanilang dalawa ng mga biyaya. Kabilang sa mga ito ang pagpaparami sa mga anak nilang dalawa. Kabilang sa supling nilang dalawa ay tagagawa ng maganda dahil sa pagtalima nito sa Panginoon nito at kabilang sa kanila ay tagalabag sa katarungan sa sarili nito, na maliwanag ang kawalang-katarungan, dahil sa kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ
Talagang nagmagandang-loob Kami ng pagkapropeta kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَنَجَّيۡنَٰهُمَا وَقَوۡمَهُمَا مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ
Nailigtas Namin silang dalawa at ang mga tao nilang dalawa, ang mga anak ni Israel, mula sa pang-aalipin ni Paraon sa kanila at mula sa pagkalunod.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَنَصَرۡنَٰهُمۡ فَكَانُواْ هُمُ ٱلۡغَٰلِبِينَ
Nag-adya Kami sa kanila laban kay Paraon at sa mga kawal nito, kaya ang pananaig ay naging ukol sa kanila laban sa kaaway nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَءَاتَيۡنَٰهُمَا ٱلۡكِتَٰبَ ٱلۡمُسۡتَبِينَ
Nagbigay kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron ng Torah bilang kasulatan mula sa ganang kay Allāh, na maliwanag na walang pagkalito rito.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَهَدَيۡنَٰهُمَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ
Nagpatnubay Kami sa kanilang dalawa sa landasing tuwid na walang kabaluktutan dito, ang daan ng relihiyong Islām na nagpaparating sa kaluguran ng Tagalikha – kaluwalhatian sa Kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِمَا فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Nagpamalagi Kami para sa kanilang dalawa ng isang pagbubunying maganda at isang pagbanggit na kaaya-aya sa mga kalipunang kasunod.
Arabic explanations of the Qur’an:
سَلَٰمٌ عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ
Isang pagbating kaaya-aya mula kay Allāh para sa kanilang dalawa, isang pagbubunyi sa kanilang dalawa, at isang panawagan ng kaligtasan mula sa bawat kinasusuklaman.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Tunay na Kami, kung paanong gumanti Kami kina Moises at Aaron ng magandang ganting ito, ay gaganti sa mga tagagawa ng maganda dahil sa pagtalima nila sa Panginoon nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّهُمَا مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na sina Moises at Aaron ay kabilang sa mga lingkod na mga mananampalataya kay Allāh, na mga tagagawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّ إِلۡيَاسَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Tunay na si Elias ay talagang kabilang sa mga isinugo mula sa Panginoon niya. Nagbiyaya si Allāh sa kanya ng pagkapropeta at pagkasugo
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi siya sa mga kalipi niya, na isinugo siya sa kanila, kabilang sa mga anak ni Israel: "O mga kalipi ko, hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya – na kabilang sa mga ito ang paniniwala sa kaisahan [Niya] – at ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya – na kabilang sa mga ito ang pagtatambal sa [Kanya]?
Arabic explanations of the Qur’an:
أَتَدۡعُونَ بَعۡلٗا وَتَذَرُونَ أَحۡسَنَ ٱلۡخَٰلِقِينَ
Sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa anito ninyong si Baal at nag-iiwan kayo sa pagsamba kay Allāh, na pinakamagaling sa mga tagalikha,
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱللَّهَ رَبَّكُمۡ وَرَبَّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Si Allāh ay ang Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at lumikha sa mga ninuno ninyo noong una, kaya Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba, hindi ang iba pa sa Kanya na mga anitong hindi nagpapakinabang at hindi nakapipinsala."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• قوله: ﴿فَلَمَّآ أَسْلَمَا﴾ دليل على أن إبراهيم وإسماعيل عليهما السلام كانا في غاية التسليم لأمر الله تعالى.
Ang sabi ni Allāh: "Kaya noong nagpasailalim silang dalawa" ay isang patunay na sina Abraham at Ismael – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – ay nasa tugatog ng pagpapasakop sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• من مقاصد الشرع تحرير العباد من عبودية البشر.
Kabilang sa mga pakay ng Batas ng Islām ang pagpapalaya sa mga tao mula sa pagkaalipin sa tao.

• الثناء الحسن والذكر الطيب من النعيم المعجل في الدنيا.
Ang pagbubunying maganda at ang pagbanggit na kaaya-aya ay kabilang sa kaginhawahang pinaaga sa Mundo.

 
Translation of the meanings Surah: As-Sāffāt
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close