Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Az-Zumar   Ayah:
أَوۡ تَقُولَ لَوۡ أَنَّ ٱللَّهَ هَدَىٰنِي لَكُنتُ مِنَ ٱلۡمُتَّقِينَ
o baka mangatwiran ito ng pagtatakda para magsabi ito: "Kung sakaling si Allāh ay nagtuon sa akin, talaga sanang ako ay naging kabilang sa mga tagapangilag magkasala sa Kanya; sumusunod ako sa mga ipinag-uutos Niya at umiiwas ako sa mga sinasaway Niya;"
Arabic explanations of the Qur’an:
أَوۡ تَقُولَ حِينَ تَرَى ٱلۡعَذَابَ لَوۡ أَنَّ لِي كَرَّةٗ فَأَكُونَ مِنَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
o baka magsabi ito kapag nasasaksihan nito ang pagdurusa habang nagmimithi: "Kung sana mayroon akong isang pagbabalik sa Mundo para magbalik-loob ako kay Allāh at maging kabilang ako sa mga tagapagpaganda ng mga gawain nila."
Arabic explanations of the Qur’an:
بَلَىٰ قَدۡ جَآءَتۡكَ ءَايَٰتِي فَكَذَّبۡتَ بِهَا وَٱسۡتَكۡبَرۡتَ وَكُنتَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Ang usapin ay hindi gaya ng hinaka-haka mo na pagmimithi ng kapatnubayan sapagkat dumating nga sa iyo ang mga tanda Ko ngunit nagpasinungaling ka sa mga ito, nagpakamalaki ka, at ikaw ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga tanda Niya, at mga sugo Niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ تَرَى ٱلَّذِينَ كَذَبُواْ عَلَى ٱللَّهِ وُجُوهُهُم مُّسۡوَدَّةٌۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوٗى لِّلۡمُتَكَبِّرِينَ
Sa Araw ng Pagbangon, masasaksihan mo ang mga nagsinungaling laban kay Allāh dahil sa pag-uugnay ng katambal at anak sa Kanya habang ang mga mukha nila ay nangingitim, na isang palatandaan sa kalumbayan nila. Hindi ba sa Impiyerno ay may pamamalagian para sa mga nagpapakamalaki laban sa pagsampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya? Oo; tunay na doon ay talagang may pamamalagian para sa kanila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَيُنَجِّي ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ بِمَفَازَتِهِمۡ لَا يَمَسُّهُمُ ٱلسُّوٓءُ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Ililigtas ni Allāh ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya mula sa pagdurusa sa pamamagitan ng pagpapapasok sa kanila sa pook ng pagkatamo nila, ang Paraiso. Hindi sasaling sa kanila ang pagdurusa ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga bahaging makamundo.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱللَّهُ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٞ
Si Allāh ay Tagalikha ng bawat bagay sapagkat walang tagalikhang iba pa sa Kanya. Siya sa bawat bagay ay Mapangalaga, na nangangasiwa sa nauukol dito, at nagbabaling dito kung papaano Niyang niloloob.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَّهُۥ مَقَالِيدُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Sa Kanya lamang ang mga susi ng mga imbakan ng mga biyaya sa mga langit at lupa. Nagkakaloob Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya at pumipigil Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sa pagkakait sa kanila ng pananampalataya sa buhay nila sa Mundo at dahil sa pagpasok nila sa Apoy bilang mga mananatili roon sa Kabilang-buhay.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ أَفَغَيۡرَ ٱللَّهِ تَأۡمُرُوٓنِّيٓ أَعۡبُدُ أَيُّهَا ٱلۡجَٰهِلُونَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na umaakit sa inyo na sumamba ka sa mga diyus-diyusan nila: "Nag-uutos ba kayo sa akin, O mga mangmang sa Panginoon ninyo, na sumamba ako sa iba pa kay Allāh? Walang nagiging karapat-dapat sa pagsamba kundi si Allāh lamang, kaya hindi ako sasamba sa iba pa sa Kanya."
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ أُوحِيَ إِلَيۡكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكَ لَئِنۡ أَشۡرَكۡتَ لَيَحۡبَطَنَّ عَمَلُكَ وَلَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Talaga ngang nagkasi si Allāh sa iyo, O Sugo, at nagkasi Siya sa mga sugo kabilang sa nauna sa iyo na talagang kung sumamba ka kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya ay talagang mawawalang-saysay nga ang gawa mong maayos at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi sa Mundo dahil sa pagkapalugi ng relihiyon mo at sa Kabilang-buhay dahil sa pagdurusa.
Arabic explanations of the Qur’an:
بَلِ ٱللَّهَ فَٱعۡبُدۡ وَكُن مِّنَ ٱلشَّٰكِرِينَ
Bagkus sumamba ka kay Allāh lamang, huwag kang magtambal sa Kanya ng isa man, at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat sa Kanya sa mga biyaya Niya na ibiniyaya Niya sa iyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا قَدَرُواْ ٱللَّهَ حَقَّ قَدۡرِهِۦ وَٱلۡأَرۡضُ جَمِيعٗا قَبۡضَتُهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَٱلسَّمَٰوَٰتُ مَطۡوِيَّٰتُۢ بِيَمِينِهِۦۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Hindi sila dumakila kay Allāh ang mga tagapagtambal nang totoong pagdakila sa Kanya nang nagtambal sila sa Kanya ng iba pa sa Kanya kabilang sa mga nilikha Niyang mahihinang walang-kakayahan. Nalingat sila sa kakayahan ni Allāh, na kabilang sa mga paglalantad nito ay na ang lupa kalakip ng anumang narito na mga bundok, mga punong-kahoy, mga ilog, at mga dagat sa Araw ng Pagkabuhay ay nasa isang dakot Niya, at na ang pitong langit sa kabuuan ng mga ito ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Nagpawalang-kapintasan Siya, nagpakabanal Siya, at pagkataas-taas Siya higit sa anumang sinasabi at pinaniniwalaan sa Kanya ng mga tagapagtambal.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• الكِبْر خلق ذميم مشؤوم يمنع من الوصول إلى الحق.
Ang pagmamalaki ay isang kaasalang napupulaan na minasama, na pumipigil sa pagkarating sa katotohanan.

• سواد الوجوه يوم القيامة علامة شقاء أصحابها.
Ang pangingitim ng mga mukha sa Araw ng Pagbangon ay isang palatandaan ng kalumbayan ng mga nagtataglay nito.

• الشرك محبط لكل الأعمال الصالحة.
Ang pagtatambal [kay Allāh] ay tagapawalang-kabuluhan sa lahat ng mga gawang maayos.

• ثبوت القبضة واليمين لله سبحانه دون تشبيه ولا تمثيل.
Ang pagtitibay sa katangian ng pagdakot at kanang kamay para kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – nang walang pagwawangis at walang pagtutulad.

 
Translation of the meanings Surah: Az-Zumar
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close