Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (23) Surah: Az-Zumar
ٱللَّهُ نَزَّلَ أَحۡسَنَ ٱلۡحَدِيثِ كِتَٰبٗا مُّتَشَٰبِهٗا مَّثَانِيَ تَقۡشَعِرُّ مِنۡهُ جُلُودُ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُمۡ ثُمَّ تَلِينُ جُلُودُهُمۡ وَقُلُوبُهُمۡ إِلَىٰ ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُدَى ٱللَّهِ يَهۡدِي بِهِۦ مَن يَشَآءُۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٍ
Si Allāh ay nagbaba sa Sugo Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng Qur'ān na pinakamaganda sa pag-uusap. Nagpababa Siya nito na nagkakawangisan: nagkakawangis ang ibang bahagi nito sa iba pang bahagi sa katapatan, kagandahan, pagkakatugmaan, at kawalan ng salungatan. Marami rito ang mga kasaysayan, ang mga patakaran, ang pangako, ang banta, ang mga katangian ng mga alagad ng katotohanan, ang mga katangian ng mga alagad ng kabulaanan, at ang iba pa roon. Nangingilabot mula rito ang mga balat ng mga natatakot sa Panginoon nila kapag nakaririnig sila ng nasaad dito na banta at babala. Pagkatapos lumalambot ang mga balat nila at ang mga puso nila sa pagkaalaala kay Allāh kapag nakaririnig sila ng nasaad dito na pag-asa at mga balitang nakagagalak. Ang nabanggit na iyon mula sa Qur'ān at epekto niyon ay kapatnubayan ni Allāh; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya. Ang sinumang itinatwa ni Allāh at hindi Niya itinuon sa kapatnubayan ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay na papatnubay rito.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• أهل الإيمان والتقوى هم الذين يخشعون لسماع القرآن، وأهل المعاصي والخذلان هم الذين لا ينتفعون به.
Ang mga alagad ng pananampalataya at pangingilag sa pagkakasala ay ang mga nagpapakataimtim sa pagdinig sa Qur'ān samantalang ang mga alagad ng mga pagsuway at pagtatwa ay ang mga hindi nakikinabang dito.

• التكذيب بما جاءت به الرسل سبب نزول العذاب إما في الدنيا أو الآخرة أو فيهما معًا.
Ang pagpapasinungaling sa inihatid ng mga sugo ay isang kadahilanan ng pagbaba ng pagdurusa sa Mundo man o Kabilang-buhay man o sa dalawang ito nang magkasama.

• لم يترك القرآن شيئًا من أمر الدنيا والآخرة إلا بيَّنه، إما إجمالًا أو تفصيلًا، وضرب له الأمثال.
Hindi nag-iwan ang Qur'ān ng anuman sa nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay malibang nilinaw nito iyon sa pagbubuod man o pagdedetalye man at naglahad ito ng mga paghahalintulad.

 
Translation of the meanings Ayah: (23) Surah: Az-Zumar
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close