Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (18) Surah: Ghāfir
وَأَنذِرۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡأٓزِفَةِ إِذِ ٱلۡقُلُوبُ لَدَى ٱلۡحَنَاجِرِ كَٰظِمِينَۚ مَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ حَمِيمٖ وَلَا شَفِيعٖ يُطَاعُ
Pangambahin mo sila, O Sugo, ng Araw ng Pagbangon, ang Pagbangong ito [ng mga patay] na nalalapit sapagkat ito ay darating at ang bawat darating ay malapit na. Sa Araw na iyon, ang mga puso dala ng tindi ng hilakbot ng mga ito ay magiging nakaangat hanggang sa umabot sa mga lalamunan ng mga may-ari ng mga ito, na magiging mga tahimik: hindi magsasalita ang isa kabilang sa kanila maliban sa sinumang nagpahintulot sa kanya ang Napakamaawain. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway na anumang kaibigan ni kamag-anak ni tagapagpamagitang tatalimain kapag itinakda para sa kanya na mamagitan.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• التذكير بيوم القيامة من أعظم الروادع عن المعاصي.
Ang pagpapaalaala hinggil sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa pinakadakila sa mga tagapagpaudlot palayo sa mga pagsuway.

• إحاطة علم الله بأعمال عباده؛ خَفِيَّة كانت أم ظاهرة.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa mga gawain ng mga lingkod Niya nang pakubli man o nakalantad.

• الأمر بالسير في الأرض للاتعاظ بحال المشركين الذين أهلكوا.
Ang pag-uutos ng paghayo sa lupain para mapangaralan sa kalagayan ng mga tagapagtambal na ipinahamak.

 
Translation of the meanings Ayah: (18) Surah: Ghāfir
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close