Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (12) Surah: Fussilat
فَقَضَىٰهُنَّ سَبۡعَ سَمَٰوَاتٖ فِي يَوۡمَيۡنِ وَأَوۡحَىٰ فِي كُلِّ سَمَآءٍ أَمۡرَهَاۚ وَزَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِمَصَٰبِيحَ وَحِفۡظٗاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
Saka lumubos si Allāh sa paglikha ng mga langit sa dalawang araw: ang araw ng Huwebes at ang araw ng Biyernes. Sa dalawang [araw na] ito, nalubos ang paglikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Kumasi si Allāh sa bawat langit ng itinatakda Niya rito at ipinag-uutos Niya rito na pagtalima at pagsamba. Ginayakan Niya ang langit na pinakamababa ng mga bituin at pinangalagaan Niya ang langit sa pamamagitan ng mga ito laban sa panakaw na pakikinig ng mga demonyo. Ang nabanggit na iyon sa kabuuan niyon ay ang pagtatakda [Niya], ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Maalam sa mga nilikha Niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• الإعراض عن الحق سبب المهالك في الدنيا والآخرة.
Ang pag-ayaw sa katotohanan ay isang kadahilanan ng mga kapahamakan sa Mundo at Kabilang-buhay.

• التكبر والاغترار بالقوة مانعان من الإذعان للحق.
Ang pagpapakamalaki at ang pagkalinlang dahil sa lakas ay mga tagahadlang sa pagpapasakop sa katotohanan.

• الكفار يُجْمَع لهم بين عذاب الدنيا وعذاب الآخرة.
Ang mga tagatangging sumampalataya ay titipunin sa pagitan ng pagdurusa sa Mundo at pagdurusa sa Kabilang-buhay.

• شهادة الجوارح يوم القيامة على أصحابها.
Ang pagsaksi ng mga bahagi ng katawan sa Araw ng Pagbangon laban sa mga may-ari ng mga ito.

 
Translation of the meanings Ayah: (12) Surah: Fussilat
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close