Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (53) Surah: Fussilat
سَنُرِيهِمۡ ءَايَٰتِنَا فِي ٱلۡأٓفَاقِ وَفِيٓ أَنفُسِهِمۡ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَهُمۡ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّۗ أَوَلَمۡ يَكۡفِ بِرَبِّكَ أَنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ
Magpapakita si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya ng Quraysh ng mga tanda Niya sa mga abot-tanaw ng lupa na sasakupin Niya para sa mga Muslim. Magpapakita Siya sa kanila ng mga tanda Niya sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pagsakop sa Makkah hanggang sa lumiwanag para sa kanila, sa pamamagitan ng nag-aalis ng pagdududa, na ang Qur'ān na ito ay ang katotohanang walang pag-aalangan hinggil dito. Hindi ba nakasapat sa mga tagapagtambal na ito na ang Qur'ān ay totoo dahil sa pagsaksi ni Allāh na ito ay mula sa ganang Kanya? Sino pa ang higit na dakila sa pagsasaksi kaysa kay Allāh? Kung sakaling sila ay nagnanais ng katotohanan ay talaga sanang nagkasya sila sa pagsaksi ng Panginoon nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• علم الساعة عند الله وحده.
Ang kaalaman sa Huling Sandali ay nasa kay Allāh lamang.

• تعامل الكافر مع نعم الله ونقمه فيه تخبط واضطراب.
Ang pakikitungo ng tagatangging sumampalataya sa mga biyaya ni Allāh at mga salot Niya rito ay pagkatuliro at pagkalito.

• إحاطة الله بكل شيء علمًا وقدرة.
Ang pagkakasaklaw ni Allāh sa bawat bagay sa kaalaman at kakayahan.

 
Translation of the meanings Ayah: (53) Surah: Fussilat
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close