Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (11) Surah: Al-Fat'h
سَيَقُولُ لَكَ ٱلۡمُخَلَّفُونَ مِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ شَغَلَتۡنَآ أَمۡوَٰلُنَا وَأَهۡلُونَا فَٱسۡتَغۡفِرۡ لَنَاۚ يَقُولُونَ بِأَلۡسِنَتِهِم مَّا لَيۡسَ فِي قُلُوبِهِمۡۚ قُلۡ فَمَن يَمۡلِكُ لَكُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔا إِنۡ أَرَادَ بِكُمۡ ضَرًّا أَوۡ أَرَادَ بِكُمۡ نَفۡعَۢاۚ بَلۡ كَانَ ٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرَۢا
Magsasabi sa iyo, O Sugo, ang mga pinaiwan ni Allāh kabilang sa mga Arabeng disyerto sa pagsama sa iyo sa paglalakbay mo patungo sa Makkah kapag pinagsalitaan mo sila: "Umabala sa amin ang pangangalaga sa mga ari-arian namin at ang pangangalaga sa mga anak namin para maglakbay kasama sa iyo kaya humiling ka para sa amin ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala namin." Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila na paghiling ng paghingi ng tawad ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – para sa kanila dahil sila ay hindi nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala nila. Sabihin mo: "Walang isang nakapagdudulot para sa inyo laban kay Allāh ng anuman kung nagnais Siya sa inyo ng isang kabutihan o nagnais Siya sa inyo ng isang kasamaan. Bagkus laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo kahit gaano man kayo nagkubli ng mga iyon.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• مكانة بيعة الرضوان عند الله عظيمة، وأهلها من خير الناس على وجه الأرض.
Ang kalagayan ng Pagpapahayag ng Katapatan ng Pagkalugod sa ganang kay Allāh ay dakila at ang mga nagtaguyod nito ay kabilang sa pinakamabuti sa mga tao sa balat ng lupa.

• سوء الظن بالله من أسباب الوقوع في المعصية وقد يوصل إلى الكفر.
Ang kasagwaan ng pagpapalagay kay Allāh ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkasadlak sa pagsuway at maaaring magpahantong sa kawalang-pananampalataya.

• ضعاف الإيمان قليلون عند الفزع، كثيرون عند الطمع.
Ang mahihina ang pananampalataya ay kaunti sa sandali ng hilakbot, mararami sa sandali ng paghahangad.

 
Translation of the meanings Ayah: (11) Surah: Al-Fat'h
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close