Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (15) Surah: Al-Mā’idah
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ قَدۡ جَآءَكُمۡ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمۡ كَثِيرٗا مِّمَّا كُنتُمۡ تُخۡفُونَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَيَعۡفُواْ عَن كَثِيرٖۚ قَدۡ جَآءَكُم مِّنَ ٱللَّهِ نُورٞ وَكِتَٰبٞ مُّبِينٞ
O mga May Kasulatan na mga Hudyo na mga tagasunod ng Torah at mga Kristiyano na mga tagasunod ng Ebanghelyo, dumating nga sa inyo ang Sugo Naming si Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – na naglilinaw sa inyo ng marami mula sa dating itinatago ninyo mula sa kasulatang pinababa sa inyo at nagpapalampas sa marami buhat doon na kabilang sa anumang walang kapakanan doon maliban sa pagbubunyag sa inyo. Dumating nga sa inyo ang Qur'ān bilang Aklat mula sa ganang kay Allāh. Ito ay isang liwanag na ipinantatanglaw at isang aklat na naglilinaw sa bawat kinakailangan ng mga tao sa mga nauukol sa kanila na pangmundo at pangkabilang-buhay.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• تَرْك العمل بمواثيق الله وعهوده قد يوجب وقوع العداوة وإشاعة البغضاء والتنافر والتقاتل بين المخالفين لأمر الله تعالى.
Ang pag-iwan sa pagsasagawa sa mga kasunduan kay Allāh at mga tipan sa Kanya ay maaaring mag-obliga ng pagkakaganap ng pagkamuhi at ng pagpapalaganap ng pagkasuklam, pagkakalayuan ng loob, at pag-aawayan sa pagitan ng mga sumasalungat sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الرد على النصارى القائلين بأن الله تعالى تجسد في المسيح عليه السلام، وبيان كفرهم وضلال قولهم.
Ang pagtugon sa mga Kristiyanong nagsasabing si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagkatawang-tao kay Kristo – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ang paglilinaw sa kawalang-pananampalataya nila at kaligawan ng sinasabi nila.

• من أدلة بطلان ألوهية المسيح أن الله تعالى إن أراد أن يهلك المسيح وأمه عليهما السلام وجميع أهل الأرض فلن يستطيع أحد رده، وهذا يثبت تفرده سبحانه بالأمر وأنه لا إله غيره.
Kabilang sa mga patunay sa kabulaanan ng pagkadiyos ni Kristo ay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – kung nagnais Siya na magpahamak kay Kristo, sa ina niya – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – at sa lahat ng mga naninirahan sa lupa, ay hindi makakakaya ng isa man na mapigilan. Ito ay nagpapatibay sa pamumukod-tangi Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pag-uutos at na walang Diyos na iba pa sa Kanya.

• من أدلة بطلان ألوهية المسيح أن الله تعالى يُذَكِّر بكونه تعالى ﴿ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ﴾ (المائدة: 17)، فهو يخلق من الأبوين، ويخلق من أم بلا أب كعيسى عليه السلام، ويخلق من الجماد كحية موسى عليه السلام، ويخلق من رجل بلا أنثى كحواء من آدم عليهما السلام.
Kabilang sa mga patunay sa kabulaanan ng pagkadiyos ni Kristo ay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagpapaalaala na Siya – pagkataas-taas Siya – ay "Lumilikha ng anumang niloloob Niya." (Qur'ān 5:17) sapagkat Siya ay lumilikha mula sa mga magulang, lumilikha mula sa isang ina nang walang ama gaya ni Hesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – lumilikha mula sa isang walang-buhay na bagay gaya ng ahas ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at lumilikha mula sa isang lalaki nang walang babae gaya ni Eva mula kay Adan – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan.

 
Translation of the meanings Ayah: (15) Surah: Al-Mā’idah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close