Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (46) Surah: Al-Mā’idah
وَقَفَّيۡنَا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم بِعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡإِنجِيلَ فِيهِ هُدٗى وَنُورٞ وَمُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَهُدٗى وَمَوۡعِظَةٗ لِّلۡمُتَّقِينَ
Nagpasunod Kami sa mga bakas ng mga propeta ng mga anak ni Israel kay Hesus na anak ni Maria bilang mananampalataya sa Torah at bilang tagapaghatol ayon dito. Nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo bilang naglalaman ng kapatnubayan sa katotohanan at ng nag-aalis ng mga kalituhan mula sa mga katwiran at lumulutas sa mga suliranin mula sa mga kahatulan, at bilang sumasang-ayon sa bumaba bago pa nito na Torah maliban sa kaunti kabilang sa pinawalang-bisa nito na mga kahatulan niyon. Gumawa Kami sa Ebanghelyo bilang patnubay, na napapatnubayan sa pamamagitan nito ang mga tagapangilag magkasala, at bilang pampigil sa paggawa ng ipinagbawal nito sa kanila.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• الأنبياء متفقون في أصول الدين مع وجود بعض الفروق بين شرائعهم في الفروع.
Ang mga propeta ay nagkakaisa sa mga pangunahing simulain ng relihiyon kalakip ng pag-iral ng ilan sa mga pagkakaiba sa pagitan ng mga batas nila kaugnay sa mga sangay.

• وجوب تحكيم شرع الله والإعراض عمّا عداه من الأهواء.
Ang pagkatungkulin ng pagsasakahatulan ng Batas ni Allāh at ang pag-ayaw sa anumang iba pa rito na mga pithaya.

• ذم التحاكم إلى أحكام أهل الجاهلية وأعرافهم.
Ang pagpula sa pagpapahatol sa mga patakaran ng mga alagad ng Kamangmangan at sa mga kaugalian nila.

 
Translation of the meanings Ayah: (46) Surah: Al-Mā’idah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close