Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (79) Surah: Al-Mā’idah
كَانُواْ لَا يَتَنَاهَوۡنَ عَن مُّنكَرٖ فَعَلُوهُۚ لَبِئۡسَ مَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Sila noon ay hindi sumasaway sa isa't isa sa kanila sa pagkagawa ng pagsuway, bagkus naglalantad ang mga tagasuway kabilang sa kanila ng ginagawa nila na mga pagsuway at mga nakasasamang gawa dahil walang isang tagatutol na tumututol sa kanila. Talagang sumagwa ang dati nilang ginagawa na pagpapabaya sa pagsaway sa nakasasama.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• ترك الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر موجب لِلَّعْنِ والطرد من رحمة الله تعالى.
Ang pag-iwan sa pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama ay nag-oobliga ng sumpa at pagtataboy mula sa awa ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• من علامات الإيمان: الحب في الله والبغض في الله.
Kabilang sa mga palatandaan ng pananampalataya ay ang pag-ibig alang-alang kay Allāh at ang pagkasuklam alang-alang kay Allāh.

• موالاة أعداء الله توجب غضب الله عز وجل على فاعلها.
Ang pakikipagtangkilikan sa mga kaaway ni Allāh ay mag-oobliga ng galit ni Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – sa gumagawa nito.

• شدة عداوة اليهود والمشركين لأهل الإسلام، وفي المقابل وجود طوائف من النصارى يدينون بالمودة للإسلام؛ لعلمهم أنه دين الحق.
Ang tindi ng pagkamuhi ng mga Hudyo at mga tagapagtambal sa mga alagad ng Islām, katapat nito ang kairalan ng mga pangkatin kabilang sa mga Kristiyano na nagtataglay ng pagmamahal sa Islām dahil sa pagkakaalam nila na ito ay Relihiyon ng Katotohanan.

 
Translation of the meanings Ayah: (79) Surah: Al-Mā’idah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close