Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (116) Surah: Al-An‘ām
وَإِن تُطِعۡ أَكۡثَرَ مَن فِي ٱلۡأَرۡضِ يُضِلُّوكَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَإِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ
Kung sakaling itinakda na ikaw ay tumalima, O Sugo, sa higit na marami sa nasa lupa kabilang sa mga tao ay magliligaw sila sa iyo palayo sa Relihiyon ni Allāh sapagkat umiral nga ang kalakaran ni Allāh na ang katotohanan ay maging kasama ng kakaunti. Ang higit na marami sa mga tao ay sumusunod sa pagpapalagay lamang na walang sinasandigan yayamang nag-akala sila na ang mga sinasamba nila ay nagpapalapit-loob sa kanila kay Allāh nang dikitan habang sila ay nagsisinungaling hinggil doon.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• يجب أن يكون الهدف الأعظم للعبد اتباع الحق، ويطلبه بالطرق التي بيَّنها الله، ويعمل بذلك، ويرجو عَوْن ربه في اتباعه، ولا يتكل على نفسه وحوله وقوته.
Kinakailangan na ang pinakadakilang layon para sa tao ay ang pagsunod sa katotohanan. Maghahanap siya niyon sa pamamagitan ng mga paraang nilinaw ni Allāh, magsasagawa siya niyon, aasa siya sa tulong ng Panginoon niya sa pagsunod niyon, at hindi siya sasalig sa sarili niya, kapangyarihan niya, at lakas niya.

• من إنصاف القرآن للقلة المؤمنة العالمة إسناده الجهل والضلال إلى أكثر الخلق.
Bahagi ng makatarungang pakikitungo ng Qur'ān sa kakaunting mananampalatayang nakaaalam ang pagtataguri nito ng kamangmangan at pagkaligaw sa higit na marami sa mga nilikha.

• من سنّته تعالى في الخلق ظهور أعداء من الإنس والجنّ للأنبياء وأتباعهم؛ لأنّ الحقّ يعرف بضدّه من الباطل.
Bahagi ng kalakaran Niya – pagkataas-taas Siya – kaugnay sa mga nilikha ang paglitaw ng mga kaaway na tao at jinn para sa mga propeta at mga tagsunod nila dahil ang katotohanan ay nakikilala sa pamamagitan ng kabaliktaran nito na kabulaanan.

• القرآن صادق في أخباره، عادل في أحكامه،لا يُعْثَر في أخباره على ما يخالف الواقع، ولا في أحكامه على ما يخالف الحق.
Ang Qur'ān ay tapat sa mga panuto nito at makatarungan sa mga kahatulan nito. Hindi nakasusumpong sa mga panuto nito ng sumasalungat sa reyalidad, ni sa mga kahatulan nito ng sumasalungat sa katotohanan.

 
Translation of the meanings Ayah: (116) Surah: Al-An‘ām
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close