Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (152) Surah: Al-An‘ām
وَلَا تَقۡرَبُواْ مَالَ ٱلۡيَتِيمِ إِلَّا بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ أَشُدَّهُۥۚ وَأَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَٱلۡمِيزَانَ بِٱلۡقِسۡطِۖ لَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۖ وَإِذَا قُلۡتُمۡ فَٱعۡدِلُواْ وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰۖ وَبِعَهۡدِ ٱللَّهِ أَوۡفُواْۚ ذَٰلِكُمۡ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ
Nagbawal si Allāh na makialam kayo sa ari-arian ng ulila (ang nawalan ng ama niya bago nagbinata o nagdalaga) kundi ayon sa may dulot itong kabutihan, pakinabang sa kanya, at karagdagan sa ari-arian niya hanggang sa umabot siya sa kahustuhang gulang at matalos mula sa kanya ang katinuan ng isip. Nagbawal Siya sa inyo ng pang-uumit sa pagtatakal at timbangan, bagkus kinakailangan sa inyo ang katarungan sa pagkuha at pagbibigay sa pagtitinda at pagbili. Hindi Siya nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito. Kaya ang anumang hindi maaaring maiwasan na pagkadagdag o pagkakabawas sa mga takalan at iba pa sa mga ito ay walang paninisi roon. Nagbawal Siya sa inyo na magsabi kayo ng iba pa sa tama kaugnay sa pag-uulat o pagsasaksi, nang walang pagkiling sa isang kaanak o isang kaibigan. Nagbawal Siya sa inyo ng pagkalas sa kasunduan sa Kanya kapag nakipagkasunduan kayo sa Kanya, bagkus kinakailangan sa inyo ang paglubus-lubos niyon. Ang naunang nabanggit na iyon ay nag-utos sa inyo si Allāh ng isang utos na binibigyang-diin, sa pag-asang magsaalaala kayo sa kahihinatnan ng lagay ninyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• لا يجوز التصرف في مال اليتيم إلّا في حدود مصلحته، ولا يُسلَّم ماله إلّا بعد بلوغه الرُّشْد.
Hindi ipinahihintulot ang panghihimasok sa ari-arian ng ulila malibang nasa mga hangganan ng kapakanan niya at hindi ipapasa sa kanya ang ari-arian niya malibang matapos ng pag-abot niya sa kasapatan ng isip.

• سبل الضلال كثيرة، وسبيل الله وحده هو المؤدي إلى النجاة من العذاب.
Ang mga landas ng pagkaligaw ay marami at ang landas ni Allāh lamang ay ang tagapahantong sa kaligtasan mula sa pagdurusa.

• اتباع هذا الكتاب علمًا وعملًا من أعظم أسباب نيل رحمة الله.
Ang pagsunod sa Qur'ān na ito sa kaalaman at gawa ay bahagi ng pinakadakila sa mga kadahilanan ng pagtamo sa awa ni Allāh.

 
Translation of the meanings Ayah: (152) Surah: Al-An‘ām
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close