Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (158) Surah: Al-An‘ām
هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّآ أَن تَأۡتِيَهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَوۡ يَأۡتِيَ رَبُّكَ أَوۡ يَأۡتِيَ بَعۡضُ ءَايَٰتِ رَبِّكَۗ يَوۡمَ يَأۡتِي بَعۡضُ ءَايَٰتِ رَبِّكَ لَا يَنفَعُ نَفۡسًا إِيمَٰنُهَا لَمۡ تَكُنۡ ءَامَنَتۡ مِن قَبۡلُ أَوۡ كَسَبَتۡ فِيٓ إِيمَٰنِهَا خَيۡرٗاۗ قُلِ ٱنتَظِرُوٓاْ إِنَّا مُنتَظِرُونَ
Naghihintay kaya ang mga tagapasinungaling maliban pa na pumunta sa kanila ang anghel ng kamatayan at ang mga tagatulong nito para kunin ang mga kaluluwa nila sa Mundo; o pumunta ang Panginoon mo sa Araw ng Pagpapasya sa Kabilang-buhay, O Sugo, para sa pagpapasya ng husga sa pagitan nila; o pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo na nagpapatunay sa Huling Sandali? Sa araw na pupunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo, gaya ng pagsikat ng araw mula sa kanluran nito, ay hindi magpapakinabang sa isang tatangging sumampalataya ang pananampalataya nito at hindi magpapakinabang sa isang mananampalataya ang gawain nito [kung] hindi siya gumawa ng isang kabutihan bago pa nito. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito: "Maghintay kayo sa isa sa mga bagay na ito; tunay na Kami ay mga naghihintay."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• أن الدين يأمر بالاجتماع والائتلاف، وينهى عن التفرق والاختلاف.
Tunay na ang Islām ay nag-uutos ng pagkakaisa at pagkakabuklod at sumasaway sa pagkakahati-hati at pagkakaiba-iba.

• من تمام عدله تعالى وإحسانه أنه يجازي بالسيئة مثلها، وبالحسنة عشرة أمثالها، وهذا أقل ما يكون من التضعيف.
Bahagi ng kalubusan ng katarungan Niya – pagkataas-taas Siya – at paggawa Niya ng maganda ay na Siya ay gumaganti sa masagwang gawa ng tulad nito at sa magandang gawa ng sampung tulad nito. Ito ay ang pinakakaunting nangyayaring pag-iibayo.

• الدين الحق القَيِّم يتطَلب تسخير كل أعمال العبد واهتماماته لله عز وجل، فله وحده يتوجه العبد بصلاته وعبادته ومناسكه وذبائحه وجميع قرباته وأعماله في حياته وما أوصى به بعد وفاته.
Ang relihiyong totoong matuwid ay humihiling ng pagpapasilbi ng lahat ng mga gawain ng tao at mga pinahahalagahan nito para kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan Siya – sapagkat [dapat] sa Kanya lamang nagtutuon ang tao ng dasal nito, pagsamba nito, mga gawaing panrelihiyon nito, mga alay nito, lahat ng mga pampalapit-loob nito at mga gawain nito sa buhay nito, at anumang inihabilin nito matapos ng pagyao nito.

 
Translation of the meanings Ayah: (158) Surah: Al-An‘ām
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close