Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: At-Talāq   Ayah:
أَسۡكِنُوهُنَّ مِنۡ حَيۡثُ سَكَنتُم مِّن وُجۡدِكُمۡ وَلَا تُضَآرُّوهُنَّ لِتُضَيِّقُواْ عَلَيۡهِنَّۚ وَإِن كُنَّ أُوْلَٰتِ حَمۡلٖ فَأَنفِقُواْ عَلَيۡهِنَّ حَتَّىٰ يَضَعۡنَ حَمۡلَهُنَّۚ فَإِنۡ أَرۡضَعۡنَ لَكُمۡ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ وَأۡتَمِرُواْ بَيۡنَكُم بِمَعۡرُوفٖۖ وَإِن تَعَاسَرۡتُمۡ فَسَتُرۡضِعُ لَهُۥٓ أُخۡرَىٰ
Magpatira kayo sa kanila, O mga asawa, kung saan kayo nakatira ayon sa kakayahan ninyo sapagkat hindi nag-aatang sa inyo si Allāh ng iba pa roon. Huwag kayong magpapasok sa kanila ng kapinsalaan sa paggugol at tirahan ni sa iba pa sa dalawang ito sa paghahangad ng panggigipit sa kanila. Kung ang mga diniborsiyo ay mga nagdadalang-tao, gumugol kayo sa kanila hanggang sa magsilang sila ng dinadalang-tao nila; saka kung nagpasuso sila para sa inyo ng mga anak ninyo, magbigay kayo sa kanila ng upa sa pagpapasuso nila at magsanggunian kayo sa pumapatungkol sa upa ayon sa nakabubuti. Ngunit kung nagkuripot ang asawa sa ninanais ng maybahay na upa at nagmaramot naman ito saka hindi nalugod malibang ayon sa ninanais nito, umupa ang ama ng ibang tagapasuso na magpapasuso sa anak niya para sa kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
لِيُنفِقۡ ذُو سَعَةٖ مِّن سَعَتِهِۦۖ وَمَن قُدِرَ عَلَيۡهِ رِزۡقُهُۥ فَلۡيُنفِقۡ مِمَّآ ءَاتَىٰهُ ٱللَّهُۚ لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِلَّا مَآ ءَاتَىٰهَاۚ سَيَجۡعَلُ ٱللَّهُ بَعۡدَ عُسۡرٖ يُسۡرٗا
Gumugol ang sinumang may kaluwagan sa yaman sa diniborsiyo niya at sa anak niya mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang ginipit ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh mula rito. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito sapagkat hindi Siya nag-aatang dito ng higit doon ni higit sa nakakaya nito. Gagawa si Allāh, matapos ng kagipitan ng kalagayan niyon at hirap nito, ng isang kaluwagan at kasapatan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ عَتَتۡ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهَا وَرُسُلِهِۦ فَحَاسَبۡنَٰهَا حِسَابٗا شَدِيدٗا وَعَذَّبۡنَٰهَا عَذَابٗا نُّكۡرٗا
Anong dami ng pamayanan na noong sumuway sa utos ng Panginoon ng mga ito – kaluwalhatian sa Kanya – at sa utos ng sugo ng mga ito – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – ay tinuos Namin ang mga ito ng isang pagtutuos na mahirap dahil sa mga masagwang gawain ng mga ito at pinagdusa Namin ang mga ito ng isang pagdurusang kakila-kilabot sa Mundo at Kabilang-buhay.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَذَاقَتۡ وَبَالَ أَمۡرِهَا وَكَانَ عَٰقِبَةُ أَمۡرِهَا خُسۡرًا
Kaya lumasap ang mga ito ng kaparusahan sa mga masagwang gawain ng mga ito, at ang wakas ng mga ito ay naging isang kalugihan sa Mundo at isang kalugihan sa Kabilang-buhay.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗاۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ قَدۡ أَنزَلَ ٱللَّهُ إِلَيۡكُمۡ ذِكۡرٗا
Naglaan si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang malakas, kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may pang-unawa na mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa Sugo Niya, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, upang hindi dumapo sa inyo ang dumapo sa kanila. Nagpababa nga si Allāh sa inyo ng isang paalaala na nagpapaalaala sa inyo ng kasagwaan ng kahihinatnan ng pagsuway sa Kanya at kagandahan ng kauuwian ng pagtalima sa Kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
رَّسُولٗا يَتۡلُواْ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ مُبَيِّنَٰتٖ لِّيُخۡرِجَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعۡمَلۡ صَٰلِحٗا يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ قَدۡ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ لَهُۥ رِزۡقًا
Ang paalaalang ito ay isang Sugo mula kay Allāh na bumibigkas sa inyo ng mga tanda Niya, bilang mga naglilinaw na walang kalituhan sa mga ito, sa pag-asang magpalabas Siya sa mga sumampalataya sa Kanya at nagpatotoo sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos mula sa mga kadiliman ng pagkaligaw tungo sa liwanag ng kapatnubayan. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng gawang maayos ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Gumawa nga ng maganda si Allāh para rito sa pagtustos yayamang nagpapasok Siya rito sa hardin na hindi napuputol ang kaginhawahan doon.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ وَمِنَ ٱلۡأَرۡضِ مِثۡلَهُنَّۖ يَتَنَزَّلُ ٱلۡأَمۡرُ بَيۡنَهُنَّ لِتَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ وَأَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَحَاطَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عِلۡمَۢا
Si Allāh ay ang lumikha ng pitong langit at lumikha ng pitong lupa tulad ng paglikha Niya ng pitong langit. Nagbababaan ang kautusang pansansinukob at pambatas ni Allāh sa pagitan ng mga ito sa pag-asang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman, at na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay sumaklaw sa bawat bagay sa kaalaman kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga langit ni sa lupa.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• عدم وجوب الإرضاع على الحامل إذا طلقت.
Ang hindi pagkatungkulin ng pagpapasuso ng sanggol para sa nagdadalang-tao kapag diniborsiyo ito.

• التكليف لا يكون إلا بالمستطاع.
Ang pag-aatang [ng tungkulin] ay hindi nangyayari malibang ayon sa nakakaya.

• الإيمان بقدرة الله وإحاطة علمه بكل شيء سبب للرضا وسكينة القلب.
Ang pananampalataya sa kakayahan ni Allāh at ang pagkasaklaw ng kaalaman Niya sa bawat bagay ay isang kadahilanan ng pagkalugod at katiwasayan ng puso.

 
Translation of the meanings Surah: At-Talāq
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close