Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Al-A‘rāf   Ayah:
حَقِيقٌ عَلَىٰٓ أَن لَّآ أَقُولَ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡحَقَّۚ قَدۡ جِئۡتُكُم بِبَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ فَأَرۡسِلۡ مَعِيَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
Nagsabi si Moises: "Yayamang ako ay naging isang isinugo mula sa Kanya, ako ay karapat-dapat na hindi magsabi tungkol sa Kanya maliban ng totoo. Naghatid nga ako sa inyo ng isang katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ko at na ako ay isang isinugo sa inyo mula sa Panginoon ko, kaya palayain mo kasama ko ang mga anak ni Israel mula sa dati nilang lagay na pagkabihag at pagkasinisiil."
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ إِن كُنتَ جِئۡتَ بِـَٔايَةٖ فَأۡتِ بِهَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi si Paraon kay Moises: "Kung ikaw ay dumating kalakip ng isang tanda gaya ng inaakala mo, maglahad ka nito kung ikaw ay naging tapat sa pag-aangkin mo."
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَلۡقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعۡبَانٞ مُّبِينٞ
Kaya nagtapon si Moises ng tungkod niya saka nagbagong-anyo ito bilang ahas na malaki na nakalantad para sa sinumang nakasasaksi rito.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِيَ بَيۡضَآءُ لِلنَّٰظِرِينَ
Inilabas niya ang kamay niya at inilantad ito mula sa nakabukas sa kamisa niya mula sa tabi ng dibdib niya o mula sa ilalim ng kilikili niya at lumabas ito na maputi na walang ketong, na nagniningning para sa mga tagatingin dahil sa tindi ng kaputian nito.
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِ فِرۡعَوۡنَ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌ عَلِيمٞ
Nagsabi ang mga malaking tao at ang mga pangulo noong nakasaksi sila sa pagbabagong-anyo ng tungkod ni Moises na naging ahas at sa pagpapanibago ng kamay niya na naging maputing walang ketong: "Walang iba si Moises kundi isang manggagaway na malakas ang kaalaman sa panggagaway.
Arabic explanations of the Qur’an:
يُرِيدُ أَن يُخۡرِجَكُم مِّنۡ أَرۡضِكُمۡۖ فَمَاذَا تَأۡمُرُونَ
Naglalayon siya sa anumang isinasagawa niya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyong ito, ang Ehipto. Pagkatapos sumangguni sa kanila si Paraon hinggil sa pumapatungkol kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagsasabi sa kanila: "Ano ang ipapayo ninyo sa akin na pananaw?"
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُوٓاْ أَرۡجِهۡ وَأَخَاهُ وَأَرۡسِلۡ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ
Nagsabi sila kay Paraon: "Magpaliban ka kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron at magpadala ka sa mga lungsod ng Ehipto ng mga magtitipon ng mga manggagaway roon.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَأۡتُوكَ بِكُلِّ سَٰحِرٍ عَلِيمٖ
Magdadala sa iyo ang mga isinugo mong ito para magtipon ng mga manggagaway mula sa mga lungsod ng bawat manggagaway na bihasa sa panggagaway, na malakas sa pagsasagawa nito."
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَآءَ ٱلسَّحَرَةُ فِرۡعَوۡنَ قَالُوٓاْ إِنَّ لَنَا لَأَجۡرًا إِن كُنَّا نَحۡنُ ٱلۡغَٰلِبِينَ
Kaya nagpadala si Paraon ng mga magtitipon ng mga manggagaway. Noong dumating ang mga manggagaway kay Paraon ay nagtanong sila rito kung mayroon ba silang gantimpala kung madadaig nila si Moises sa pamamagitan ng panggagaway nila at magwawagi sila laban sa kanya."
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ نَعَمۡ وَإِنَّكُمۡ لَمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ
Kaya sumagot sa kanila si Paraon sa pagsabi nito: "Oo, at tunay na magkakaroon kayo ng gantimpala at pabuya. Kayo ay magiging kabilang sa mga malapit [sa akin] sa mga katungkulan."
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ نَحۡنُ ٱلۡمُلۡقِينَ
Nagsabi ang mga manggagaway habang mga nagtitiwala sa pagwawagi nila kay Moises nang may pagmamataas at pagkamapagmalaki: "Mamili ka, O Moises, ng niloob mo na pagsisimula mo sa pagpukol ng ninanais mong ipukol o pagsisimula namin niyon?"
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ أَلۡقُواْۖ فَلَمَّآ أَلۡقَوۡاْ سَحَرُوٓاْ أَعۡيُنَ ٱلنَّاسِ وَٱسۡتَرۡهَبُوهُمۡ وَجَآءُو بِسِحۡرٍ عَظِيمٖ
Sumagot sa kanila si Moises habang nagtitiwala sa pagpapawagi ng Panginoon niya sa kanya: "Magtapon kayo ng mga lubid ninyo at mga tungkod ninyo." Kaya noong pumukol sila ng mga iyon ay gumaway sila sa mga mata ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabaling sa mga ito palayo sa katumpakan ng pagkatalos, sumindak sila sa mga iyon, at naghatid sila ng isang panggagaway na malakas sa mga mata ng mga tumitingin.
Arabic explanations of the Qur’an:
۞ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَلۡقِ عَصَاكَۖ فَإِذَا هِيَ تَلۡقَفُ مَا يَأۡفِكُونَ
Nagkasi si Allāh sa propeta Niya at kausap Niyang si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na [nagsasabi]: "Magtapon ka, O Moises, ng tungkod mo," kaya itinapon niya ito saka nagbagong-anyo ang tungkod na naging isang ahas na lumululon sa mga lubid nila at mga tungkod nila, na dati nilang ginagamit sa pagbaliktad sa mga reyalidad at sa pagpapaakala sa mga tao na ang mga ito ay mga ahas na gumagapang.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَوَقَعَ ٱلۡحَقُّ وَبَطَلَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Kaya lumitaw ang katotohanan, luminaw ang katapatan ng inihatid ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at luminaw ang kawalang-saysay ng ginawa ng mga manggagaway mula sa panggagaway.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَغُلِبُواْ هُنَالِكَ وَٱنقَلَبُواْ صَٰغِرِينَ
Kaya nadaig sila, natalo sila, nagwagi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa nasaksihang iyon, at bumalik sila na mga kaaba-aba na mga nagapi.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سَٰجِدِينَ
Kaya walang nangyari sa mga manggagaway, nang nakasaksi sila sa sukdulang kakayahan ni Allāh at nakakita sila sa mga tandang malinaw, kundi sumubsob sila na mga nakapatirapa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• من حكمة الله ورحمته أن جعل آية كل نبي مما يدركه قومه، وقد تكون من جنس ما برعوا فيه.
Bahagi ng dunong ni Allāh at awa Niya na gumawa Siya ng tanda ng bawat propeta na kabilang sa natatalos ng mga tao niya at maaaring kabilang sa uri ng [gawaing] nagpakahusay sila.

• أنّ فرعون كان عبدًا ذليلًا مهينًا عاجزًا، وإلا لما احتاج إلى الاستعانة بالسحرة في دفع موسى عليه السلام.
Na si Paraon ay isang taong kaaba-aba na hamak na walang-kakayahan dahil kung hindi ay talagang hindi siya nangailangan ng pagpapatulong sa mga manggagaway sa pagtaboy kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.

• يدل على ضعف السحرة - مع اتصالهم بالشياطين التي تلبي مطالبهم - طلبهم الأجر والجاه عند فرعون.
Nagpapatunay sa kahinaan ng mga manggagaway – sa kabila ng pagkakaugnay niya sa mga demonyo na tumutugon sa mga hiling nila – ang paghiling nila ng pabuya at impluwensiya sa ganang kay Paraon.

 
Translation of the meanings Surah: Al-A‘rāf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close