Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (127) Surah: Al-A‘rāf
وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِ فِرۡعَوۡنَ أَتَذَرُ مُوسَىٰ وَقَوۡمَهُۥ لِيُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَيَذَرَكَ وَءَالِهَتَكَۚ قَالَ سَنُقَتِّلُ أَبۡنَآءَهُمۡ وَنَسۡتَحۡيِۦ نِسَآءَهُمۡ وَإِنَّا فَوۡقَهُمۡ قَٰهِرُونَ
Nagsabi kay Paraon ang mga pinapanginoon at ang mga malaking tao kabilang sa mga tao ni Paraon habang mga nag-uudyok dito laban kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya: "Mag-iiwan ka ba, O Paraon, kay Moises at sa mga tao niya upang magpalaganap sila ng katiwalian sa lupain at upang mag-iwan siya sa iyo mismo at sa mga diyos mo at mag-anyaya siya sa pagsamba kay Allāh lamang?" Nagsabi si Paraon: "Pagpapatayin natin ang mga lalaking anak ng mga anak ni Israel at pananatilihin natin ang mga babae nila para magsilbi. Tunay na tayo ay mga mangingibabaw laban sa kanila sa pamamagitan ng panlulupig, pananaig, at kapamahalaan."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• موقف السّحرة وإعلان إيمانهم بجرأة وصراحة يدلّ على أنّ الإنسان إذا تجرّد عن هواه، وأذعن للعقل والفكر السّليم بادر إلى الإيمان عند ظهور الأدلّة عليه.
Ang paninindigan ng mga manggagaway at ang pagpapahayag ng pananampalataya nila nang may kalakasang-loob at katahasan ay nagpapatunay na ang tao, kapag natanggalan ng pithaya niya at nagpahinuhod sa matinong pag-iisip at ideya, ay nagdadali-dali sa pananampalataya sa sandali ng paglitaw ng mga patunay sa kanya.

• أهل الإيمان بالله واليوم الآخر هم أشدّ الناس حزمًا، وأكثرهم شجاعة وصبرًا في أوقات الأزمات والمحن والحروب.
Ang mga may pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay ang pinakamatindi sa mga tao sa pagkadisidido at ang pinakahigit sa kanila sa katapangan at pagtitiis sa mga oras ng mga krisis, mga pagsubok, at mga digmaan.

• المنتفعون من السّلطة يُحرِّضون ويُهيِّجون السلطان لمواجهة أهل الإيمان؛ لأن في بقاء السلطان بقاء لمصالحهم.
Ang mga nakikinabang sa kapamahalaan ay nag-uudyok at nanunulsol sa pamahalaan para makipagharap sa mga may pananampalataya dahil nasa pananatili ng pamahalaan ang pananatili ng mga kapakanan nila.

• من أسباب حبس الأمطار وغلاء الأسعار: الظلم والفساد.
Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkapigil ng mga ulan at pagtaas ng mga presyo ay ang kawalang-katarungan at ang katiwalian.

 
Translation of the meanings Ayah: (127) Surah: Al-A‘rāf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close