Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (142) Surah: Al-A‘rāf
۞ وَوَٰعَدۡنَا مُوسَىٰ ثَلَٰثِينَ لَيۡلَةٗ وَأَتۡمَمۡنَٰهَا بِعَشۡرٖ فَتَمَّ مِيقَٰتُ رَبِّهِۦٓ أَرۡبَعِينَ لَيۡلَةٗۚ وَقَالَ مُوسَىٰ لِأَخِيهِ هَٰرُونَ ٱخۡلُفۡنِي فِي قَوۡمِي وَأَصۡلِحۡ وَلَا تَتَّبِعۡ سَبِيلَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Nakipagtipan si Allāh sa sugo Niyang si Moises para sa pakikipagniigan sa Kanya nang tatlumpong gabi. Pagkatapos binuo ito ni Allāh sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sampu kaya ito ay naging apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron noong nagnais siyang umalis para sa pakikipagniigan sa Panginoon niya: "O Aaron, maging kahalili ka sa akin sa mga tao at magsaayos ka sa nauukol sa kanila sa pamamagitan ng kagandahan ng pamamahala at kalumayan sa kanila. Huwag kang tumahak sa daan ng mga tagatiwali sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at huwag kang maging tagatulong para sa mga tagasuway."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• تؤكد الأحداث أن بني إسرائيل كانوا ينتقلون من ضلالة إلى أخرى على الرغم من وجود نبي الله موسى بينهم.
Nagbibigay-diin ang mga pangyayari na ang mga anak ni Israel noon ay nagpapalipat-lipat mula sa isang kaligawan tungo sa isa pa sa kabila ng kairalan ng propeta ni Allāh na si Moises sa gitna nila.

• من مظاهر خذلان الأمة أن تُحَسِّن القبيح، وتُقَبِّح الحسن بمجرد الرأي والأهواء.
Kabilang sa mga paghahayag ng pagkakanulo ng kalipunan ay na magpaganda ito ng pangit at magpapangit ito ng maganda sa pamamagitan lamang ng pananaw at mga pithaya.

• إصلاح الأمة وإغلاق أبواب الفساد هدف سام للأنبياء والدعاة.
Ang pagsasaayos sa kalipunan at ang pagsasara sa mga pinto ng mga katiwalian ay isang matayog na layunin para sa mga propeta at mga mangangaral ng Islām.

• قضى الله تعالى ألا يراه أحد من خلقه في الدنيا، وسوف يكرم من يحب من عباده برؤيته في الآخرة.
Nagtadhana si Allāh – pagkataas-taas Siya – na hindi makakita sa Kanya ang isa sa mga nilikha Niya sa Mundo. Magpaparangal Siya sa sinumang iniibig Niya sa mga lingkod Niya sa pamamagitan ng pagkakita sa Kanya sa Kabilang-buhay.

 
Translation of the meanings Ayah: (142) Surah: Al-A‘rāf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close