Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (43) Surah: Al-A‘rāf
وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلّٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي هَدَىٰنَا لِهَٰذَا وَمَا كُنَّا لِنَهۡتَدِيَ لَوۡلَآ أَنۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُۖ لَقَدۡ جَآءَتۡ رُسُلُ رَبِّنَا بِٱلۡحَقِّۖ وَنُودُوٓاْ أَن تِلۡكُمُ ٱلۡجَنَّةُ أُورِثۡتُمُوهَا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Bahagi ng kalubusan ng kaginhawahan nila sa Paraiso ay na magtatanggal si Allāh ng anumang nasa mga puso nila na pagkamuhi at ngitngit, at magpapadaloy Siya ng mga ilog mula sa ilalim nila. Magsasabi sila habang mga umaamin kay Allāh ng pagbibiyaya Niya sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtuon sa amin para sa gawang maayos na ito, na nagpakamit sa amin ng kalagayang ito. Hindi sana kami naging ukol maituon doon mula sa pagkukusa ng mga sarili namin kung sakaling hindi dahil si Allāh ay nagtuon sa amin doon. Talaga ngang naghatid ang mga sugo ng Panginoon namin ng katotohanang walang pag-aalangan hinggil doon at ng katapatan sa pangako at banta." May mananawagan sa kanila na isang tagapanawagan: "Ito ay ang Paraiso na ipinabatid sa inyo ng mga sugo Ko sa Mundo. Ipinasunod kayo ni Allāh doon dahil sa dati ninyong ginagawa na mga gawang maayos na nagnanais kayo dahil sa mga ito [ng ikalulugod] ng mukha ni Allāh."
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• المودة التي كانت بين المكذبين في الدنيا تنقلب يوم القيامة عداوة وملاعنة.
Ang pagmamahalang nasa pagitan ng mga tagapasinungaling sa Mundo ay mapapalitan sa Araw ng Pagbangon ng pagkamuhi at pagpapalitan ng sumpa.

• أرواح المؤمنين تفتح لها أبواب السماء حتى تَعْرُج إلى الله، وتبتهج بالقرب من ربها والحظوة برضوانه.
Ang mga kaluluwa ng mga mananampalataya ay pagbubuksan ng mga pinto ng langit hanggang sa makapanik ang mga ito kay Allāh at magalak sa pagkalapit sa Panginoon ng mga ito at sa pagkakatamo ng kaluguran Niya.

• أرواح المكذبين المعرضين لا تفتح لها أبواب السماء، وإذا ماتوا وصعدت فهي تستأذن فلا يؤذن لها، فهي كما لم تصعد في الدنيا بالإيمان بالله ومعرفته ومحبته، فكذلك لا تصعد بعد الموت، فإن الجزاء من جنس العمل.
Ang mga kaluluwa ng mga tagapasinungaling na umaayaw ay hindi pagbubuksan ng mga pinto ng langit kapag namatay sila at umangat. Ang mga ito ay magpapaalam ngunit hindi magpapahintulot sa mga ito sapagkat ang mga ito, kung paanong hindi umaangat sa Mundo sa pananampalataya kay Allāh, pagkakilala sa Kanya, at pag-ibig sa Kanya, gayon din naman hindi aangat ang mga ito matapos ng kamatayan sapagkat tunay na ang ganti ay kauri ng ginawa.

• أهل الجنة نجوا من النار بعفو الله، وأدخلوا الجنة برحمة الله، واقتسموا المنازل وورثوها بالأعمال الصالحة وهي من رحمته، بل من أعلى أنواع رحمته.
Ang mga maninirahan sa Paraiso ay maliligtas sa Apoy dahil sa paumanhin ni Allāh at ipapasok sa Paraiso dahil sa awa ni Allāh. Maghahati-hati sila sa mga antas at magmamana ng mga ito dahil sa mga gawang matuwid. Ito ay bahagi ng awa Niya, bagkus kabilang sa pinakamataas sa mga uri ng awa Niya.

 
Translation of the meanings Ayah: (43) Surah: Al-A‘rāf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close