Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Ayah: (99) Surah: Al-A‘rāf
أَفَأَمِنُواْ مَكۡرَ ٱللَّهِۚ فَلَا يَأۡمَنُ مَكۡرَ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Tumingin kayo sa ipinagkaloob ni Allāh sa kanila na pagpapalugit at sa ibiniyaya Niya sa kanila na lakas at kaluwagan sa panustos bilang panghahalina sa kanila. Kaya natiwasay ba ang mga tagapagpasinungaling na ito kabilang sa mga pamayanang iyon sa panlalansi ni Allāh at panlalalang Niyang nakakubli? Walang natitiwasay sa panlalansi ni Allāh kundi ang mga taong napahamak. Tungkol naman sa mga naituon, tunay na sila ay nangangamba sa panlalansi Niya kaya hindi sila nalilinlang dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila. Nakakikita lamang sila sa kagandahang-loob Niya sa kanila kaya nagpapasalamat sila sa Kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• الإيمان والعمل الصالح سبب لإفاضة الخيرات والبركات من السماء والأرض على الأمة.
Ang pananampalataya at ang gawang maayos ay isang kadahilanan para sa pagpapanagana ng mga mabuting bagay at mga biyaya mula sa langit at lupa sa kalipunan.

• الصلة وثيقة بين سعة الرزق والتقوى، وإنْ أنعم الله على الكافرين فإن هذا استدراج لهم ومكر بهم.
Ang pagkakaugnay ay mahigpit sa pagitan ng lawak ng pagtustos at pangingilag sa pagkakasala. Kung nagpala si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya, tunay na ito ay isang panghahalina para sa kanila at isang panlalansi sa kanila.

• على العبد ألا يأمن من عذاب الله المفاجئ الذي قد يأتي في أية ساعة من ليل أو نهار.
Kailangan sa isang tao na hindi matiwasay sa biglaang parusa ni Allāh, na maaaring dumating sa anumang oras ng gabi o maghapon.

• يقص القرآن أخبار الأمم السابقة من أجل تثبيت المؤمنين وتحذير الكافرين.
Nagsasalaysay ang Qur'ān ng mga panuto mula sa mga naunang kalipunan alang-alang sa pagpapatatag sa mga mananampalataya at pagbibigay-babala sa mga tagatangging sumampalataya.

 
Translation of the meanings Ayah: (99) Surah: Al-A‘rāf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran - Translations’ Index

Filipino (Tagalog) Translation of Al-Mukhtasar in interpreting the Noble Quran, issued by Tafsir Center

close