Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran * - Translations’ Index


Translation of the meanings Surah: Al-Mutaffifīn   Ayah:
لِيَوۡمٍ عَظِيمٖ
para sa pagtutuos at pagganti sa isang araw na sukdulan dahil sa taglay nito na mga sigalot at mga hilakbot,
Arabic explanations of the Qur’an:
يَوۡمَ يَقُومُ ٱلنَّاسُ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila para sa pagtutuos?
Arabic explanations of the Qur’an:
كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡفُجَّارِ لَفِي سِجِّينٖ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ninyo na walang pagbubuhay matapos ng kamatayan! Tunay na ang talaan ng mga may kasamaang-loob kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw ay talagang nasa pagkalugi sa lupang pinakamababa.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سِجِّينٞ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Sijjīn?
Arabic explanations of the Qur’an:
كِتَٰبٞ مَّرۡقُومٞ
Tunay na ang talaan nila ay sinulatan, na hindi maglalaho ni madadagdagan ni mababawasan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kasawian at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ يُكَذِّبُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagganti na gaganti roon si Allāh sa mga lingkod Niya sa mga gawain nila sa Mundo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا يُكَذِّبُ بِهِۦٓ إِلَّا كُلُّ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ
Walang nagpapasinungaling sa Araw ng iyon kundi bawat lumalampas sa mga hangganan ni Allāh, na marami ang mga kasalanan.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin ay nagsasabi siya: "Ang mga iyan ay mga kuwento ng mga kalipunang sinauna at hindi mula sa ganang kay Allāh!"
Arabic explanations of the Qur’an:
كَلَّاۖ بَلۡۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ng mga tagapagpasinungaling na ito! Bagkus, nanaig sa mga isip nila at bumalot sa mga ito ang dati nilang nakakamit na mga pagsuway, kaya hindi sila nakakita sa katotohanan sa pamamagitan ng mga puso nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَلَّآ إِنَّهُمۡ عَن رَّبِّهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّمَحۡجُوبُونَ
Sa totoo, tunay na sila, sa pagkakita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, ay talagang mga pipigilan.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ إِنَّهُمۡ لَصَالُواْ ٱلۡجَحِيمِ
Pagkatapos tunay na sila ay talagang papasok sa Apoy, na magpapakasakit sa init niyon.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ يُقَالُ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Pagkatapos sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang panunumbat sa kanila: "Itong pagdurusang nakatagpo ninyo ay ang dati ninyong pinasisinungalingan sa Mundo nang nagpapabatid sa inyo hinggil dito ang Sugo ninyo."
Arabic explanations of the Qur’an:
كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡأَبۡرَارِ لَفِي عِلِّيِّينَ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ninyo na walang pagtutuos at walang pagganti! Tunay na ang talaan ng mga may pagtalima ay talagang nasa `Illīyūn.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا عِلِّيُّونَ
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang `Illīyūn?
Arabic explanations of the Qur’an:
كِتَٰبٞ مَّرۡقُومٞ
Tunay na ang talaan nila ay sinulatan, na hindi maglalaho ni madadagdagan ni mababawasan.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَشۡهَدُهُ ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Dadalo sa talaang ito ang mga inilapit sa bawat langit kabilang sa mga anghel.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٍ
Tunay na ang mga tagapagparami ng mga pagtalima ay talagang nasa isang kaginhawahang mamamalagi sa Araw ng Pagbangon,
Arabic explanations of the Qur’an:
عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ
habang nasa mga higaang ginayakan habang nakatingin sa Panginoon nila at sa anumang nagpapatuwa sa mga sarili nila at nagpapagalak sa kanila.
Arabic explanations of the Qur’an:
تَعۡرِفُ فِي وُجُوهِهِمۡ نَضۡرَةَ ٱلنَّعِيمِ
Kapag nakakita ka sa kanila ay makakikita ka sa mga mukha nila ng bakas ng pagpapakaginhawa sa kagandahan at karikitan.
Arabic explanations of the Qur’an:
يُسۡقَوۡنَ مِن رَّحِيقٖ مَّخۡتُومٍ
Magpapainom sa kanila ang mga alila nila mula sa alak na ipininid sa sisidlan nito.
Arabic explanations of the Qur’an:
خِتَٰمُهُۥ مِسۡكٞۚ وَفِي ذَٰلِكَ فَلۡيَتَنَافَسِ ٱلۡمُتَنَٰفِسُونَ
Kakalat ang halimuyak ng musk mula rito hanggang sa wakas nito. Alang-alang sa masaganang pagganting ito ay kinakailangan na mag-unahan ang mga nag-uunahan sa paggawa ng nagpapalugod kay Allāh at sa pag-iwan ng nagpapainis sa Kanya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمِزَاجُهُۥ مِن تَسۡنِيمٍ
Hahaluan ang inuming ipininid na ito ng mula sa bukal ng Tasnīm.
Arabic explanations of the Qur’an:
عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Iyon ay isang bukal sa pinakamataas na bahagi ng Paraiso, na mula roon ang mga inilapit ay iinom ng isang purong dalisay at iinom ang lahat ng mga mananampalataya mula roon ng isang hinaluan ng iba pa.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْ كَانُواْ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَضۡحَكُونَ
Tunay na ang mga nagpakasalarin dahil sa taglay nila dati na kawalang-pananampalataya ay tumatawa dati sa mga sumampalataya bilang pangungutya sa mga ito.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا مَرُّواْ بِهِمۡ يَتَغَامَزُونَ
Kapag naparaan sila sa mga mananampalataya ay kumikindat ang isa't isa sa kanila bilang panunuya at bilang pagbibiro.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمُ ٱنقَلَبُواْ فَكِهِينَ
Kapag bumalik sila sa mga kapwa nila ay bumabalik sila na mga natutuwa sa taglay nila na kawalang-pananampalataya at pangungutya sa mga mananampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا رَأَوۡهُمۡ قَالُوٓاْ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَضَآلُّونَ
Kapag nakasaksi sila sa mga Muslim ay nagsasabi sila: "Tunay na ang mga ito ay talagang mga naliligaw palayo sa daan ng katotohanan yayamang umiwan sila ng relihiyon ng mga ninuno nila."
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أُرۡسِلُواْ عَلَيۡهِمۡ حَٰفِظِينَ
Hindi nagtalaga sa kanila si Allāh para sa pag-iingat sa mga gawain ng mga iyon upang magsabi ang mga iyon nitong sinabi ng mga iyon.
Arabic explanations of the Qur’an:
Benefits of the verses in this page:
• خطر الذنوب على القلوب.
Ang panganib ng mga pagkakasala sa mga puso.

• حرمان الكفار من رؤية ربهم يوم القيامة.
Ang pagkakait sa mga tagatangging sumampalataya ng pagkakita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon.

• السخرية من أهل الدين صفة من صفات الكفار.
Ang panunuya sa mga alagad ng relihiyon ay isa sa mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya.

 
Translation of the meanings Surah: Al-Mutaffifīn
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran - Translations’ Index

Issued by Tafsir Center for Quranic Studies

close