Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Yūnus   Ayah:
قُلۡ هَلۡ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥۚ قُلِ ٱللَّهُ يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
Sabihin mo: “Mayroon kaya sa mga pantambal ninyo na nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito?” Sabihin mo: “Si Allāh ay nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito. Kaya paanong nalilinlang kayo?”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ هَلۡ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلۡحَقِّۚ قُلِ ٱللَّهُ يَهۡدِي لِلۡحَقِّۗ أَفَمَن يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلۡحَقِّ أَحَقُّ أَن يُتَّبَعَ أَمَّن لَّا يَهِدِّيٓ إِلَّآ أَن يُهۡدَىٰۖ فَمَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ
Sabihin mo: “Mayroon kaya sa mga pantambal ninyo na nagpapatnubay tungo sa katotohanan?” Sabihin mo: “Si Allāh ay nagpapatnubay para sa katotohanan. Kaya ang nagpapatnubay ba tungo sa katotohanan ay higit na karapat-dapat na sundin o ang hindi nagpapatnubay maliban na pinapatnubayan? Kaya ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا يَتَّبِعُ أَكۡثَرُهُمۡ إِلَّا ظَنًّاۚ إِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغۡنِي مِنَ ٱلۡحَقِّ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا يَفۡعَلُونَ
Walang sinunsunod ang higit na marami sa kanila[5] kundi isang palagay. Tunay na ang palagay ay hindi nakasasapat sa katotohanan sa anuman. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa nila.
[5] Ibig sabihin: sa mga tagapagtambal.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا كَانَ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ أَن يُفۡتَرَىٰ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَٰكِن تَصۡدِيقَ ٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَتَفۡصِيلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَا رَيۡبَ فِيهِ مِن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi nangyaring ang Qur’ān na ito ay magawa-gawa ng bukod pa kay Allāh, subalit [naging] pagpapatotoo sa nauna rito at pagdedetalye sa Kasulatan, na walang pag-aalinlangan dito mula sa Panginoon ng mga nilalang.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ فَأۡتُواْ بِسُورَةٖ مِّثۡلِهِۦ وَٱدۡعُواْ مَنِ ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: “Kaya magdala kayo ng isang kabanatang tulad nito at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay Allāh, kung kayo ay mga tapat.”
Arabic explanations of the Qur’an:
بَلۡ كَذَّبُواْ بِمَا لَمۡ يُحِيطُواْ بِعِلۡمِهِۦ وَلَمَّا يَأۡتِهِمۡ تَأۡوِيلُهُۥۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلظَّٰلِمِينَ
Bagkus nagpasinungaling sila sa hindi sila nakapaligid sa kaalaman niyon at hindi pa pumunta sa kanila ang pagbibigay-pakahulugan niyon. Gayon nagpasinungaling ang mga bago pa nila. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagalabag sa katarungan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمِنۡهُم مَّن يُؤۡمِنُ بِهِۦ وَمِنۡهُم مَّن لَّا يُؤۡمِنُ بِهِۦۚ وَرَبُّكَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُفۡسِدِينَ
Mayroon sa kanila na sumasampalataya rito at mayroon sa kanila na hindi sumasampalataya rito. Ang Panginoon mo ay higit na maalam sa mga tagatiwali.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِن كَذَّبُوكَ فَقُل لِّي عَمَلِي وَلَكُمۡ عَمَلُكُمۡۖ أَنتُم بَرِيٓـُٔونَ مِمَّآ أَعۡمَلُ وَأَنَا۠ بَرِيٓءٞ مِّمَّا تَعۡمَلُونَ
Kung nagpasinungaling sila sa iyo ay sabihin mo: “Ukol sa akin ang gawain ko at ukol sa inyo ang gawain ninyo. Kayo ay mga walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ko at ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمِنۡهُم مَّن يَسۡتَمِعُونَ إِلَيۡكَۚ أَفَأَنتَ تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ وَلَوۡ كَانُواْ لَا يَعۡقِلُونَ
Mayroon sa kanila na mga nakikinig sa iyo, ngunit ikaw ba ay nagpapakinig sa mga bingi kahit pa man sila ay hindi nakapag-uunawa?
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Yūnus
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close