Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Hūd   Ayah:
وَيَٰقَوۡمِ لَا يَجۡرِمَنَّكُمۡ شِقَاقِيٓ أَن يُصِيبَكُم مِّثۡلُ مَآ أَصَابَ قَوۡمَ نُوحٍ أَوۡ قَوۡمَ هُودٍ أَوۡ قَوۡمَ صَٰلِحٖۚ وَمَا قَوۡمُ لُوطٖ مِّنكُم بِبَعِيدٖ
O mga kalipi ko, huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pakikipaghidwaan sa akin, na tumama sa inyo ang tulad sa tumama sa mga tao ni Noe o mga kalipi ni Hūd o mga kalipi ni Ṣāliḥ. Ang mga kababayan ni Lot mula sa inyo ay hindi malayo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِۚ إِنَّ رَبِّي رَحِيمٞ وَدُودٞ
Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay ang Panginoon ko ay Maawain, Mapagmahal.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ يَٰشُعَيۡبُ مَا نَفۡقَهُ كَثِيرٗا مِّمَّا تَقُولُ وَإِنَّا لَنَرَىٰكَ فِينَا ضَعِيفٗاۖ وَلَوۡلَا رَهۡطُكَ لَرَجَمۡنَٰكَۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡنَا بِعَزِيزٖ
Nagsabi sila: “O Shu`ayb, hindi kami nakauunawa sa marami sa sinasabi mo. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo sa gitna namin bilang mahina. Kung hindi dahil sa angkan mo, talaga sanang binato ka namin. Ikaw sa amin ay hindi isang kagalang-galang.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَهۡطِيٓ أَعَزُّ عَلَيۡكُم مِّنَ ٱللَّهِ وَٱتَّخَذۡتُمُوهُ وَرَآءَكُمۡ ظِهۡرِيًّاۖ إِنَّ رَبِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ مُحِيطٞ
Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na kagalang-galang sa inyo kaysa kay Allāh at naglagay kayo sa Kanya sa likuran ninyo sa likod? Tunay na ang Panginoon ko sa anumang ginagawa ninyo ay Tagapaligid.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَيَٰقَوۡمِ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنِّي عَٰمِلٞۖ سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَمَنۡ هُوَ كَٰذِبٞۖ وَٱرۡتَقِبُوٓاْ إِنِّي مَعَكُمۡ رَقِيبٞ
O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo. Tunay na ako ay gumagawa. Makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at kung sino ang siyang sinungaling. Magmasid-masid kayo; tunay na ako kasama sa inyo ay mapagmasid [sa itatadhana ni Allāh].”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا نَجَّيۡنَا شُعَيۡبٗا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَأَخَذَتِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلصَّيۡحَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دِيَٰرِهِمۡ جَٰثِمِينَ
Noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Shu`ayb at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin. Dumaklot sa mga lumabag sa katarungan ang hiyaw saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَأَن لَّمۡ يَغۡنَوۡاْ فِيهَآۗ أَلَا بُعۡدٗا لِّمَدۡيَنَ كَمَا بَعِدَتۡ ثَمُودُ
Para bang hindi sila tumahan doon. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa Madyan kung paanong nalayo [sa awa] ang Thamūd. Para bang hindi sila namuhay roon. Pansinin,tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya sa Panginoon. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] Thamūd.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw
Arabic explanations of the Qur’an:
إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَٱتَّبَعُوٓاْ أَمۡرَ فِرۡعَوۡنَۖ وَمَآ أَمۡرُ فِرۡعَوۡنَ بِرَشِيدٖ
kay Paraon at sa konseho nito, ngunit sumunod sila sa utos ni Paraon. Ang utos ni Paraon ay hindi matino.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Hūd
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close