Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Yūsuf   Ayah:
فَلَمَّا سَمِعَتۡ بِمَكۡرِهِنَّ أَرۡسَلَتۡ إِلَيۡهِنَّ وَأَعۡتَدَتۡ لَهُنَّ مُتَّكَـٔٗا وَءَاتَتۡ كُلَّ وَٰحِدَةٖ مِّنۡهُنَّ سِكِّينٗا وَقَالَتِ ٱخۡرُجۡ عَلَيۡهِنَّۖ فَلَمَّا رَأَيۡنَهُۥٓ أَكۡبَرۡنَهُۥ وَقَطَّعۡنَ أَيۡدِيَهُنَّ وَقُلۡنَ حَٰشَ لِلَّهِ مَا هَٰذَا بَشَرًا إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا مَلَكٞ كَرِيمٞ
Kaya noong nakarinig ito hinggil sa pakana nila ay nagsugo ito sa kanila, naglaan ito para sa kanila ng isang piging, nagbigay ito sa bawat isa mula sa kanila ng isang kutsilyo, at nagsabi ito [kay Jose]: “Lumabas ka sa kinaroroonan nila.” Kaya noong nakakita sila sa kanya, dinakila nila siya, pinaghiwa-hiwa nila ang mga kamay nila [dahil sa pagkamangha], at sinabi nila: “Kasakdalan ay ukol kay Allāh! Ito ay hindi isang mortal. Walang iba ito kundi isang anghel na marangal!”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَتۡ فَذَٰلِكُنَّ ٱلَّذِي لُمۡتُنَّنِي فِيهِۖ وَلَقَدۡ رَٰوَدتُّهُۥ عَن نَّفۡسِهِۦ فَٱسۡتَعۡصَمَۖ وَلَئِن لَّمۡ يَفۡعَلۡ مَآ ءَامُرُهُۥ لَيُسۡجَنَنَّ وَلَيَكُونٗا مِّنَ ٱلصَّٰغِرِينَ
Nagsabi ito: “Kaya iyon ang isinisisi ninyo sa akin hinggil sa kanya. Talaga ngang nagtangka akong umakit sa kanya sa sarili niya ngunit nagsanggalang siya. Talagang kung hindi siya gagawa ng ipinag-uutos ko sa kanya ay talagang ibibilanggo nga siya at talagang siya ay magiging kabilang nga sa mga nanliliit.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ رَبِّ ٱلسِّجۡنُ أَحَبُّ إِلَيَّ مِمَّا يَدۡعُونَنِيٓ إِلَيۡهِۖ وَإِلَّا تَصۡرِفۡ عَنِّي كَيۡدَهُنَّ أَصۡبُ إِلَيۡهِنَّ وَأَكُن مِّنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ
Nagsabi siya: “Panginoon ko, ang bilangguan[7] ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa inaanyaya nila sa akin. Kung hindi Ka maglilihis palayo sa akin ng panlalansi nila, mahahalina ako sa kanila at ako ay magiging kabilang sa mga mangmang.”
[7] O pagkabilanggo.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَٱسۡتَجَابَ لَهُۥ رَبُّهُۥ فَصَرَفَ عَنۡهُ كَيۡدَهُنَّۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Kaya tumugon sa kanya ang Panginoon niya, saka naglihis palayo sa kanya ng panlalansi nila. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ بَدَا لَهُم مِّنۢ بَعۡدِ مَا رَأَوُاْ ٱلۡأٓيَٰتِ لَيَسۡجُنُنَّهُۥ حَتَّىٰ حِينٖ
Pagkatapos lumitaw sa kanila matapos na nakakita sila sa mga tanda [sa kawalang-sala] na talagang magbibilanggo nga sila sa kanya magpahanggang sa isang panahon.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَدَخَلَ مَعَهُ ٱلسِّجۡنَ فَتَيَانِۖ قَالَ أَحَدُهُمَآ إِنِّيٓ أَرَىٰنِيٓ أَعۡصِرُ خَمۡرٗاۖ وَقَالَ ٱلۡأٓخَرُ إِنِّيٓ أَرَىٰنِيٓ أَحۡمِلُ فَوۡقَ رَأۡسِي خُبۡزٗا تَأۡكُلُ ٱلطَّيۡرُ مِنۡهُۖ نَبِّئۡنَا بِتَأۡوِيلِهِۦٓۖ إِنَّا نَرَىٰكَ مِنَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
May pumasok kasama sa kanya sa bilangguan na dalawang binata. Nagsabi ang isa sa dalawa: “Tunay na ako ay nananaginip na ako ay pumipiga ng alak.” Nagsabi naman ang isa pa: “Tunay na ako ay nananaginip na ako ay bumubuhat sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay, na kumakain ang mga ibon mula roon. Magbalita ka sa amin hinggil sa pagpapakahulugan nito. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga tagagawa ng maganda.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالَ لَا يَأۡتِيكُمَا طَعَامٞ تُرۡزَقَانِهِۦٓ إِلَّا نَبَّأۡتُكُمَا بِتَأۡوِيلِهِۦ قَبۡلَ أَن يَأۡتِيَكُمَاۚ ذَٰلِكُمَا مِمَّا عَلَّمَنِي رَبِّيٓۚ إِنِّي تَرَكۡتُ مِلَّةَ قَوۡمٖ لَّا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ
Nagsabi siya: “Walang pumupunta sa inyo na pagkain na itinutustos sa inyong dalawa malibang magbabalita ako sa inyong dalawa hinggil sa pagpapakahulugan nito bago pumunta ito sa inyong dalawa. Iyan ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko. Tunay na ako ay nag-iwan sa kapaniwalaan ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Yūsuf
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close