Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Ibrāhīm   Ayah:
تُؤۡتِيٓ أُكُلَهَا كُلَّ حِينِۭ بِإِذۡنِ رَبِّهَاۗ وَيَضۡرِبُ ٱللَّهُ ٱلۡأَمۡثَالَ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Nagbibigay ito ng bunga nito sa bawat sandali ayon sa pahintulot ng Panginoon nito. Naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَثَلُ كَلِمَةٍ خَبِيثَةٖ كَشَجَرَةٍ خَبِيثَةٍ ٱجۡتُثَّتۡ مِن فَوۡقِ ٱلۡأَرۡضِ مَا لَهَا مِن قَرَارٖ
Ang paghahalintulad sa isang salitang karima-rimarim ay gaya sa isang punong-kahoy na karima-rimarin na nabunot mula sa ibabaw ng lupa; walang ukol dito na anumang pamamalagian.
Arabic explanations of the Qur’an:
يُثَبِّتُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱلۡقَوۡلِ ٱلثَّابِتِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۖ وَيُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلظَّٰلِمِينَۚ وَيَفۡعَلُ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُ
Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinasabing matatag[7] sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.
[7] Ang pagsasabi ng: Walang Diyos kundi si Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
۞ أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ بَدَّلُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ كُفۡرٗا وَأَحَلُّواْ قَوۡمَهُمۡ دَارَ ٱلۡبَوَارِ
Hindi mo ba nakita ang mga nagpalit sa biyaya ni Allāh ng kawalang-pananampalataya at nagpatahan sa mga tao nila sa tahanan ng kapariwaraan?
Arabic explanations of the Qur’an:
جَهَنَّمَ يَصۡلَوۡنَهَاۖ وَبِئۡسَ ٱلۡقَرَارُ
Sa Impiyerno ay masusunog sila. Kay saklap ang pamamalagian!
Arabic explanations of the Qur’an:
وَجَعَلُواْ لِلَّهِ أَندَادٗا لِّيُضِلُّواْ عَن سَبِيلِهِۦۗ قُلۡ تَمَتَّعُواْ فَإِنَّ مَصِيرَكُمۡ إِلَى ٱلنَّارِ
Gumawa sila para kay Allāh ng mga kaagaw upang magligaw ang mga ito palayo sa landas Niya. Sabihin mo: “Magpakatamasa kayo sapagkat tunay na ang kahahantungan ninyo ay tungo sa Apoy.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُل لِّعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُنفِقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا بَيۡعٞ فِيهِ وَلَا خِلَٰلٌ
Sabihin mo sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya na magpanatili sila ng pagdarasal at gumugol sila mula sa itinustos Namin sa kanila nang palihim at nang hayagan bago pa may pumuntang isang araw na walang bilihan doon at walang pakikipagkaibigan.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزۡقٗا لَّكُمۡۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡفُلۡكَ لِتَجۡرِيَ فِي ٱلۡبَحۡرِ بِأَمۡرِهِۦۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡأَنۡهَٰرَ
Si Allāh ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga sasakyang-dagat upang maglayag sa dagat ayon sa utos Niya at pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga ilog.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ دَآئِبَيۡنِۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ
Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ang buwan habang mga umiinog. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Ibrāhīm
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close