Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: An-Nahl   Ayah:
وَٱللَّهُ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ
Si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan niyon sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong dumidinig.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَنۡعَٰمِ لَعِبۡرَةٗۖ نُّسۡقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهِۦ مِنۢ بَيۡنِ فَرۡثٖ وَدَمٖ لَّبَنًا خَالِصٗا سَآئِغٗا لِّلشَّٰرِبِينَ
Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may maisasaalang-alang. Nagpapainom Kami sa inyo ― mula sa mga tiyan ng mga ito sa pagitan ng dumi at dugo ― ng isang gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمِن ثَمَرَٰتِ ٱلنَّخِيلِ وَٱلۡأَعۡنَٰبِ تَتَّخِذُونَ مِنۡهُ سَكَرٗا وَرِزۡقًا حَسَنًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Mula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mga ubas ay gumagawa kayo mula sa mga ito ng isang nakalalasing at isang panustos na maganda. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَوۡحَىٰ رَبُّكَ إِلَى ٱلنَّحۡلِ أَنِ ٱتَّخِذِي مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتٗا وَمِنَ ٱلشَّجَرِ وَمِمَّا يَعۡرِشُونَ
Nagkasi ang Panginoon mo sa babaing bubuyog, na [nagsasabi]: “Gumawa ka mula sa mga bundok ng mga bahay, mula sa mga punong-kahoy, at mula sa ipinatitindig nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ كُلِي مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ فَٱسۡلُكِي سُبُلَ رَبِّكِ ذُلُلٗاۚ يَخۡرُجُ مِنۢ بُطُونِهَا شَرَابٞ مُّخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهُۥ فِيهِ شِفَآءٞ لِّلنَّاسِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Pagkatapos kumain ka mula sa lahat ng mga bunga saka tumahak ka sa mga landas ng Panginoon mo nang sunud-sunuran.” May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga iyon na isang inuming nagkakaiba-iba ang mga kulay nito, na may taglay itong lunas para sa mga tao. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ ثُمَّ يَتَوَفَّىٰكُمۡۚ وَمِنكُم مَّن يُرَدُّ إِلَىٰٓ أَرۡذَلِ ٱلۡعُمُرِ لِكَيۡ لَا يَعۡلَمَ بَعۡدَ عِلۡمٖ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٞ قَدِيرٞ
Si Allāh ay lumikha sa inyo, pagkatapos nagpapapanaw sa inyo. Mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, matapos ng pagkakaalam, ng anuman. Tunay na si Allāh ay Maalam, May-kakayahan.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱللَّهُ فَضَّلَ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ فِي ٱلرِّزۡقِۚ فَمَا ٱلَّذِينَ فُضِّلُواْ بِرَآدِّي رِزۡقِهِمۡ عَلَىٰ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَهُمۡ فِيهِ سَوَآءٌۚ أَفَبِنِعۡمَةِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ
Si Allāh ay nagtangi ng iba sa inyo higit sa iba sa pagtutustos ngunit ang mga itinangi ay hindi maglilipat ng panustos sa kanila sa mga minay-ari ng mga kanang kamay nila para sila rito ay maging pantay. Kaya ba sa biyaya ni Allāh ay nagkakaila sila?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُم بَنِينَ وَحَفَدَةٗ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِۚ أَفَبِٱلۡبَٰطِلِ يُؤۡمِنُونَ وَبِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ هُمۡ يَكۡفُرُونَ
Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga asawa, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga apo, at tumustos sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya ba sa kabulaanan sumasampalataya kayo at sa biyaya ni Allāh kayo ay tumatangging kumilala [dahil sa hindi pagbubukod-tangi sa Kanya]?
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: An-Nahl
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close