Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Mu’minūn   Ayah:
بَلۡ أَتَيۡنَٰهُم بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Bagkus nagdala Kami sa kanila ng katotohanan, at tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَا ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ مِن وَلَدٖ وَمَا كَانَ مَعَهُۥ مِنۡ إِلَٰهٍۚ إِذٗا لَّذَهَبَ كُلُّ إِلَٰهِۭ بِمَا خَلَقَ وَلَعَلَا بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ
Hindi gumawa si Allāh ng anumang anak. Hindi nangyaring may kasama sa Kanya na anumang diyos. [Kung nagkagayon] samakatuwid talaga sanang nag-alis ang bawat diyos ng nilikha nito at talaga sanang nangibabaw ang ilan sa kanila higit sa iba. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila!
Arabic explanations of the Qur’an:
عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, kaya napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُل رَّبِّ إِمَّا تُرِيَنِّي مَا يُوعَدُونَ
Sabihin mo: “Panginoon ko, kung magpakita ka nga naman sa akin ng ipinangangako sa kanila,
Arabic explanations of the Qur’an:
رَبِّ فَلَا تَجۡعَلۡنِي فِي ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Panginoon ko, huwag Kang maglagay sa akin sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّا عَلَىٰٓ أَن نُّرِيَكَ مَا نَعِدُهُمۡ لَقَٰدِرُونَ
Tunay na Kami, sa pagpapakita Namin sa iyo ng ipinangangako Namin sa kanila, ay talagang nakakakaya.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱدۡفَعۡ بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ ٱلسَّيِّئَةَۚ نَحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَصِفُونَ
Itaboy mo sa pamamagitan nitong higit na maganda ang masagwa. Kami ay higit na maalam sa anumang inilalarawan nila [sa Amin at sa iyo].
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقُل رَّبِّ أَعُوذُ بِكَ مِنۡ هَمَزَٰتِ ٱلشَّيَٰطِينِ
Sabihin mo: “Panginoon ko, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa mga pambubuyo ng mga demonyo;
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَعُوذُ بِكَ رَبِّ أَن يَحۡضُرُونِ
at nagpapakupkop ako sa Iyo, Panginoon ko, na dumalo sila sa akin.”
Arabic explanations of the Qur’an:
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَحَدَهُمُ ٱلۡمَوۡتُ قَالَ رَبِّ ٱرۡجِعُونِ
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating sa isa sa kanila ang kamatayan ay nagsabi siya: “Panginoon ko, magpabalik Kayo sa akin [sa Mundo],
Arabic explanations of the Qur’an:
لَعَلِّيٓ أَعۡمَلُ صَٰلِحٗا فِيمَا تَرَكۡتُۚ كَلَّآۚ إِنَّهَا كَلِمَةٌ هُوَ قَآئِلُهَاۖ وَمِن وَرَآئِهِم بَرۡزَخٌ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
nang sa gayon ako ay gagawa ng maayos sa naiwan ko!” Aba’y hindi! Tunay na ito ay isang salitang siya ay tagapagsabi nito. Mula sa likuran nila ay may isang harang hanggang sa araw na bubuhayin sila.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَلَآ أَنسَابَ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ وَلَا يَتَسَآءَلُونَ
Kaya kapag umihip sa tambuli, wala nang mga kaangkanan sa pagitan nila sa Araw na iyon at hindi sila magtatanungan.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَمَن ثَقُلَتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Kaya ang bumigat ang mga timbangan nila [ng magandang gawa], ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَنۡ خَفَّتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فِي جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ
Ang gumaan ang mga timbangan nila [ng magandang gawa], ang mga iyon ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa impiyerno bilang mga mananatili.
Arabic explanations of the Qur’an:
تَلۡفَحُ وُجُوهَهُمُ ٱلنَّارُ وَهُمۡ فِيهَا كَٰلِحُونَ
Papaso sa mga mukha nila ang Apoy habang sila roon ay mga umaangil.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Mu’minūn
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close