Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Āl-‘Imrān   Ayah:
وَكَيۡفَ تَكۡفُرُونَ وَأَنتُمۡ تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ وَفِيكُمۡ رَسُولُهُۥۗ وَمَن يَعۡتَصِم بِٱللَّهِ فَقَدۡ هُدِيَ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Papaano kayong tumatangging sumampalataya samantalang kayo ay binibigkasan ng mga tanda ni Allāh at nasa inyo ang Sugo Niya? Ang sinumang nangungunyapit kay Allāh ay napatnubayan nga sa isang landasing tuwid.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ حَقَّ تُقَاتِهِۦ وَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسۡلِمُونَ
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh nang totoong pangingilag magkasala sa Kanya, at huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga Muslim.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱعۡتَصِمُواْ بِحَبۡلِ ٱللَّهِ جَمِيعٗا وَلَا تَفَرَّقُواْۚ وَٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ كُنتُمۡ أَعۡدَآءٗ فَأَلَّفَ بَيۡنَ قُلُوبِكُمۡ فَأَصۡبَحۡتُم بِنِعۡمَتِهِۦٓ إِخۡوَٰنٗا وَكُنتُمۡ عَلَىٰ شَفَا حُفۡرَةٖ مِّنَ ٱلنَّارِ فَأَنقَذَكُم مِّنۡهَاۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh[11] nang lahatan at huwag kayong magkahati-hati. Mag-alaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo yayamang kayo noon ay magkakaaway at nagbuklod Siya sa pagitan ng mga puso ninyo kaya kayo dahil sa biyaya Niya ay naging magkakapatid. Kayo noon ay nasa isang bingit ng isang hukay ng Apoy[12] ngunit sumagip siya sa inyo mula roon. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan.
[11] Ibig sabihin: sa Qur’an at Sunnah.
[12] dahil sa kawalang-pananampalataya
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلۡتَكُن مِّنكُمۡ أُمَّةٞ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلۡخَيۡرِ وَيَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Maging mayroon sa inyo na isang kalipunang nag-aanyaya tungo sa mabuti, nag-uutos sa nakabubuti, at sumasaway sa nakasasama. Ang mga iyon ay ang mga matagumpay.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ تَفَرَّقُواْ وَٱخۡتَلَفُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Huwag kayong maging gaya ng mga nagkahati-hati at nagkaiba-iba [na mga Hudyo at mga Kristiyano] matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang sukdulan.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَوۡمَ تَبۡيَضُّ وُجُوهٞ وَتَسۡوَدُّ وُجُوهٞۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱسۡوَدَّتۡ وُجُوهُهُمۡ أَكَفَرۡتُم بَعۡدَ إِيمَٰنِكُمۡ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Sa Araw na may mamumuting mga mukha at mangingitim na mga mukha. Kaya tungkol sa mangingitim ang mga mukha nila, [tatanungin sila]: “Tumanggi ba kayong sumampalataya matapos ng pagsampalataya ninyo? Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo noon ay tumatangging sumampalataya.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱبۡيَضَّتۡ وُجُوهُهُمۡ فَفِي رَحۡمَةِ ٱللَّهِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Hinggil naman sa mamumuti ang mga mukha nila, sa awa ni Allāh sila ay dito mga mananatili.
Arabic explanations of the Qur’an:
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ نَتۡلُوهَا عَلَيۡكَ بِٱلۡحَقِّۗ وَمَا ٱللَّهُ يُرِيدُ ظُلۡمٗا لِّلۡعَٰلَمِينَ
Iyon ay ang mga tanda ni Allāh; binibigkas ang mga ito sa iyo [O Propeta Muḥammad] sa katotohanan. Hindi si Allāh nagnanais ng kawalang-katarungan para sa mga nilalang.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Āl-‘Imrān
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close