Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Ar-Rūm   Ayah:
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَلِقَآيِٕ ٱلۡأٓخِرَةِ فَأُوْلَٰٓئِكَ فِي ٱلۡعَذَابِ مُحۡضَرُونَ
Kaya hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān] at pakikipagkita sa Kabilang-buhay, ang mga iyon sa pagdurusa ay mga padadaluhin.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ حِينَ تُمۡسُونَ وَحِينَ تُصۡبِحُونَ
Kaya Kaluwalhatian kay Allāh kapag ginagabi kayo at kapag inuumaga kayo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَهُ ٱلۡحَمۡدُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَعَشِيّٗا وَحِينَ تُظۡهِرُونَ
Ukol sa Kanya ang papuri sa mga langit at lupa sa gabi at kapag tinatanghali kayo.
Arabic explanations of the Qur’an:
يُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَيُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتَ مِنَ ٱلۡحَيِّ وَيُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ وَكَذَٰلِكَ تُخۡرَجُونَ
Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay, nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay, at nagbibigay-buhay Siya sa lupa matapos ng kamatayan nito. Gayon kayo palalabasin.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَنۡ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ إِذَآ أَنتُم بَشَرٞ تَنتَشِرُونَ
Kabilang sa mga tanda Niya na lumikha Siya sa inyo mula sa alabok, pagkatapos biglang kayo ay mga taong lumalaganap.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَنۡ خَلَقَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا لِّتَسۡكُنُوٓاْ إِلَيۡهَا وَجَعَلَ بَيۡنَكُم مَّوَدَّةٗ وَرَحۡمَةًۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Kabilang sa mga tanda Niya na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ خَلۡقُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱخۡتِلَٰفُ أَلۡسِنَتِكُمۡ وَأَلۡوَٰنِكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡعَٰلِمِينَ
Kabilang sa mga tanda Niya ang pagkakalikha ng mga langit at lupa at ang pagkakaiba-iba ng mga wika ninyo at mga kulay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga nakaaalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ مَنَامُكُم بِٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَٱبۡتِغَآؤُكُم مِّن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ
Kabilang sa mga tanda Niya ang pagtulog ninyo sa gabi at maghapon at ang paghahangad ninyo ng kabutihang-loob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ يُرِيكُمُ ٱلۡبَرۡقَ خَوۡفٗا وَطَمَعٗا وَيُنَزِّلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَيُحۡيِۦ بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Kabilang sa mga tanda Niya ay nagpapakita Siya sa inyo ng kidlat na [nagdudulot ng] pangamba at paghahangad, at nagbababa Siya mula sa langit ng tubig saka nagbibigay-buhay Siya sa pamamagitan nito sa lupa matapos ng pagkamatay nito. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Ar-Rūm
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close