Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Saba’   Ayah:
قَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ لِلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُوٓاْ أَنَحۡنُ صَدَدۡنَٰكُمۡ عَنِ ٱلۡهُدَىٰ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَكُمۖ بَلۡ كُنتُم مُّجۡرِمِينَ
Magsasabi ang mga nagmalaki sa mga siniil: “Kami ba ay bumalakid sa inyo sa patnubay matapos noong dumating ito sa inyo? Bagkus kayo noon ay mga salarin.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ بَلۡ مَكۡرُ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ إِذۡ تَأۡمُرُونَنَآ أَن نَّكۡفُرَ بِٱللَّهِ وَنَجۡعَلَ لَهُۥٓ أَندَادٗاۚ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَۚ وَجَعَلۡنَا ٱلۡأَغۡلَٰلَ فِيٓ أَعۡنَاقِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۖ هَلۡ يُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Magsasabi ang mga siniil sa mga nagmalaki: “Bagkus, [humadlang sa amin] ang pakana [ninyo] sa gabi at maghapon noong nag-uutos kayo sa amin na tumanggi kaming sumampalataya kay Allāh at [na] gumawa kami para sa Kanya ng mga kaagaw.” Maglilihim sila ng pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Maglalagay Kami ng mga kulyar sa mga leeg ng tumangging sumampalataya. Gagantihan kaya sila ng maliban pa sa dati nilang ginagawa [na mga kasalanan]?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتۡرَفُوهَآ إِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Hindi Kami nagsugo sa isang pamayanan ng anumang mapagbabala malibang nagsabi ang mga pinariwasa rito: “Tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالُواْ نَحۡنُ أَكۡثَرُ أَمۡوَٰلٗا وَأَوۡلَٰدٗا وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ
Nagsabi sila: “Kami ay higit na marami sa mga yaman at mga anak at kami ay hindi mga pagdurusahin.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Sabihin mo: “Tunay na ang Panginoon ko ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit [para sa sinumang niloloob Niya] subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُم بِٱلَّتِي تُقَرِّبُكُمۡ عِندَنَا زُلۡفَىٰٓ إِلَّا مَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ جَزَآءُ ٱلضِّعۡفِ بِمَا عَمِلُواْ وَهُمۡ فِي ٱلۡغُرُفَٰتِ ءَامِنُونَ
Hindi ang mga yaman ninyo at hindi ang mga anak ninyo ang nagpapalapit sa inyo sa ganang Amin[2] sa kadikitan bagkus ang [pagiging mga] sumampalataya at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon ay ukol sa kanila ang ganti ng pag-iibayo [ng gantimpala] dahil sa ginawa nila at sila sa mga silid [sa Paraiso] ay mga natitiwasay.
[2] Ibig sabihin: sa kaluguran ni Allāh
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱلَّذِينَ يَسۡعَوۡنَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مُعَٰجِزِينَ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ٱلۡعَذَابِ مُحۡضَرُونَ
Ang mga nagpupunyagi laban sa mga tanda Namin habang mga nagtatangkang bumigo, ang mga iyon sa pagdurusa [sa Impiyerno] ay mga padadaluhin.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُ لَهُۥۚ وَمَآ أَنفَقۡتُم مِّن شَيۡءٖ فَهُوَ يُخۡلِفُهُۥۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ
Sabihin mo: “Tunay na ang Panginoon ko ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit dito. Ang anumang ginugol ninyo na anuman, Siya ay magtutumbas nito at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagapagtustos.”
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Saba’
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close