Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Saba’   Ayah:
قُلۡ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَمَا يُبۡدِئُ ٱلۡبَٰطِلُ وَمَا يُعِيدُ
Sabihin mo: “Dumating ang katotohanan, at hindi nagpapasimula ang kabulaanan[4] at hindi ito nagpapanumbalik.”
[4] ang demonyo, si Satanas, o ang anumang sinasamba bukod pa kay Allāh.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلۡ إِن ضَلَلۡتُ فَإِنَّمَآ أَضِلُّ عَلَىٰ نَفۡسِيۖ وَإِنِ ٱهۡتَدَيۡتُ فَبِمَا يُوحِيٓ إِلَيَّ رَبِّيٓۚ إِنَّهُۥ سَمِيعٞ قَرِيبٞ
Sabihin mo: “Kung naligaw ako ay maliligaw lamang ako laban sa sarili ko. Kung napatnubayan ako ay dahil sa ikinakasi sa akin ng Panginoon ko. Tunay na Siya ay Madinigin, Malapit.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذۡ فَزِعُواْ فَلَا فَوۡتَ وَأُخِذُواْ مِن مَّكَانٖ قَرِيبٖ
Kung sakaling makikita mo kapag nanghilakbot sila [na mga tagatangging sumampalataya] ngunit walang lusot [sa sandaling iyon] at dadaklutin sila mula sa isang pook na malapit.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِهِۦ وَأَنَّىٰ لَهُمُ ٱلتَّنَاوُشُ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ
Magsasabi sila: “Sumampalataya kami rito [ngayon].” Paanong ukol sa kanila ang pag-abot [sa pananampalataya] mula sa isang pook na malayo?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَدۡ كَفَرُواْ بِهِۦ مِن قَبۡلُۖ وَيَقۡذِفُونَ بِٱلۡغَيۡبِ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ
Tumanggi nga silang sumampalataya rito bago pa niyan at naghahakahaka sila hinggil sa nakalingid mula sa isang pook na malayo.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَحِيلَ بَيۡنَهُمۡ وَبَيۡنَ مَا يَشۡتَهُونَ كَمَا فُعِلَ بِأَشۡيَاعِهِم مِّن قَبۡلُۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ فِي شَكّٖ مُّرِيبِۭ
Haharangan sa pagitan nila at ng ninanasa nila, gaya ng ginawa sa mga kakampi nila bago pa niyan. Tunay na sila ay dating nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan [sa buhay sa Kabilang-buhay].
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Saba’
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close