Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Fātir   Ayah:
وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كُذِّبَتۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِكَۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Kung nagpapasinungaling sila sa iyo, may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa. Tungo kay Allāh pinababalik ang mga usapin.
Arabic explanations of the Qur’an:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ
O mga tao, tunay na ang pangako ni Allāh[1] ay totoo kaya huwag ngang lilinlang sa inyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang lilinlang sa inyo hinggil kay Allāh ang mapanlinlang [na si Satanas].
[1] na pagbuhay at pagganti sa Araw ng Pagbangon
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ لَكُمۡ عَدُوّٞ فَٱتَّخِذُوهُ عَدُوًّاۚ إِنَّمَا يَدۡعُواْ حِزۡبَهُۥ لِيَكُونُواْ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ
Tunay na ang demonyo para sa inyo ay isang kaaway, kaya gawin ninyo siyang isang kaaway. Nag-aanyaya lamang siya sa lapian niya upang sila ay maging kabilang sa mga kasamahan sa Liyab.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۖ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٌ
Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang malaki.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَفَمَن زُيِّنَ لَهُۥ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ فَرَءَاهُ حَسَنٗاۖ فَإِنَّ ٱللَّهَ يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۖ فَلَا تَذۡهَبۡ نَفۡسُكَ عَلَيۡهِمۡ حَسَرَٰتٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا يَصۡنَعُونَ
Kaya [napatnubayan] ba ang sinumang ipinang-akit sa kanya ang kasagwaan ng gawain niya kaya nagturing siya rito bilang maganda, sapagkat tunay na si Allāh ay [makatarungang] nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay [bilang kabutihang-loob mula sa Kanya] sa sinumang niloloob Niya? Kaya huwag masawi ang sarili mo dahil sa kanila sa mga panghihinayang. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang niyayari nila.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱللَّهُ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ ٱلرِّيَٰحَ فَتُثِيرُ سَحَابٗا فَسُقۡنَٰهُ إِلَىٰ بَلَدٖ مَّيِّتٖ فَأَحۡيَيۡنَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ كَذَٰلِكَ ٱلنُّشُورُ
Si Allāh ay ang nagsugo ng mga hangin saka nagpagalaw ang mga ito ng mga ulap. Umakay Kami sa mga ito tungo sa isang bayang patay saka nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng mga ito sa lupa matapos ng kamatayan nito. Gayon ang pagkabuhay.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَن كَانَ يُرِيدُ ٱلۡعِزَّةَ فَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ جَمِيعًاۚ إِلَيۡهِ يَصۡعَدُ ٱلۡكَلِمُ ٱلطَّيِّبُ وَٱلۡعَمَلُ ٱلصَّٰلِحُ يَرۡفَعُهُۥۚ وَٱلَّذِينَ يَمۡكُرُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۖ وَمَكۡرُ أُوْلَٰٓئِكَ هُوَ يَبُورُ
Ang sinumang nagnanais ng karangalan ay sa kay Allāh ang karangalan nang lahatan. Tungo sa Kanya umaakyat ang pananalitang kaaya-aya, at ang gawang maayos ay nag-aangat nito. Ang mga nagpapakana ng mga masagwang gawa, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga iyon ay mapaririwara.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱللَّهُ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ جَعَلَكُمۡ أَزۡوَٰجٗاۚ وَمَا تَحۡمِلُ مِنۡ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلۡمِهِۦۚ وَمَا يُعَمَّرُ مِن مُّعَمَّرٖ وَلَا يُنقَصُ مِنۡ عُمُرِهِۦٓ إِلَّا فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Si Allāh ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo ng mga asawa. Walang nagbubuntis na isang babae at walang nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Walang pinatatanda na isang pinatatanda at walang ibinabawas mula sa edad nito malibang nasa isang talaan. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Fātir
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close