Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Sād   Ayah:
وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ أَهۡلَهُۥ وَمِثۡلَهُم مَّعَهُمۡ رَحۡمَةٗ مِّنَّا وَذِكۡرَىٰ لِأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Nagkaloob Kami sa kanya ng mag-anak niya at tulad nila kasama sa kanila bilang awa mula sa Amin at bilang paalaala para sa mga may isip.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَخُذۡ بِيَدِكَ ضِغۡثٗا فَٱضۡرِب بِّهِۦ وَلَا تَحۡنَثۡۗ إِنَّا وَجَدۡنَٰهُ صَابِرٗاۚ نِّعۡمَ ٱلۡعَبۡدُ إِنَّهُۥٓ أَوَّابٞ
[Sinabi]: “Kumuha ka gamit ng kamay mo ng isang bungkos at pumalo ka gamit nito.[5] Huwag kang sumira sa sinumpaan.” Tunay na Kami ay nakatagpo sa kanya na nagtitiis. Kay inam ang lingkod! Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].
[5] Ibig sabihin: “… at pumalo ka sa maybahay mo gamit nito.” Ito ay yayamang nanumpa si Job na gawin iyon kung magpapanumbalik si Allāh sa kanya sa kalusugan, bilang parusa sa maybahay niya sa pagpula nito sa kanya dahil sa pagtitiis niya sa pananampalataya niya.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱذۡكُرۡ عِبَٰدَنَآ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ أُوْلِي ٱلۡأَيۡدِي وَٱلۡأَبۡصَٰرِ
Banggitin mo ang mga lingkod Naming sina Abraham, Isaac, at Jacob na mga may lakas at mga pagtalos.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّآ أَخۡلَصۡنَٰهُم بِخَالِصَةٖ ذِكۡرَى ٱلدَّارِ
Tunay na Kami ay nagtangi sa kanila [sa isang layon] dahil sa isang natatanging katangian na pag-alaala sa tahanan [sa Kabilang-buhay].
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِنَّهُمۡ عِندَنَا لَمِنَ ٱلۡمُصۡطَفَيۡنَ ٱلۡأَخۡيَارِ
Tunay na sila, sa ganang Amin, ay talagang kabilang sa mga hinirang na mga mabuti.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَٱذۡكُرۡ إِسۡمَٰعِيلَ وَٱلۡيَسَعَ وَذَا ٱلۡكِفۡلِۖ وَكُلّٞ مِّنَ ٱلۡأَخۡيَارِ
Banggitin mo sina Ismael, Eliseo, at Dhulkifl. Bawat [isa] ay kabilang sa mga mabuti.
Arabic explanations of the Qur’an:
هَٰذَا ذِكۡرٞۚ وَإِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ لَحُسۡنَ مَـَٔابٖ
Ito ay isang pagbanggit. Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay talagang isang kagandahan ng uuwian:
Arabic explanations of the Qur’an:
جَنَّٰتِ عَدۡنٖ مُّفَتَّحَةٗ لَّهُمُ ٱلۡأَبۡوَٰبُ
mga Hardin ng Eden na pinagbubuksan para sa kanila ang mga pintuan.
Arabic explanations of the Qur’an:
مُتَّكِـِٔينَ فِيهَا يَدۡعُونَ فِيهَا بِفَٰكِهَةٖ كَثِيرَةٖ وَشَرَابٖ
Habang mga nakasandal sa loob ng mga iyon, mananawagan sila sa loob ng mga iyon ng prutas na marami at inumin.
Arabic explanations of the Qur’an:
۞ وَعِندَهُمۡ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ أَتۡرَابٌ
Sa piling nila ay may mga babaing naglilimita ng sulyap [sa mga asawa nila lamang], na mga magkasinggulang.
Arabic explanations of the Qur’an:
هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِيَوۡمِ ٱلۡحِسَابِ
Ito ay ang ipinangangako sa inyo para sa Araw ng Pagtutuos.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّ هَٰذَا لَرِزۡقُنَا مَا لَهُۥ مِن نَّفَادٍ
Tunay na ito ay talagang ang panustos Namin, na wala itong anumang pagkaubos.
Arabic explanations of the Qur’an:
هَٰذَاۚ وَإِنَّ لِلطَّٰغِينَ لَشَرَّ مَـَٔابٖ
Ito nga [ay mangyayari]. Tunay na para sa mga tagapagmalabis ay talagang isang kasamaan ng uuwian:
Arabic explanations of the Qur’an:
جَهَنَّمَ يَصۡلَوۡنَهَا فَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ
ang Impiyerno na masusunog sila roon. Kaya kay saklap ang himlayan!
Arabic explanations of the Qur’an:
هَٰذَا فَلۡيَذُوقُوهُ حَمِيمٞ وَغَسَّاقٞ
Ito nga, kaya lasapin nila ito – isang nakapapasong tubig at nana,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَءَاخَرُ مِن شَكۡلِهِۦٓ أَزۡوَٰجٌ
at [mga parusang] iba pa, kabilang sa kaanyo nito, na mga pares [ng magkasulangatan parusa].
Arabic explanations of the Qur’an:
هَٰذَا فَوۡجٞ مُّقۡتَحِمٞ مَّعَكُمۡ لَا مَرۡحَبَۢا بِهِمۡۚ إِنَّهُمۡ صَالُواْ ٱلنَّارِ
[Sasabihin]: “Ito ay isang pulutong na susugod kasama sa inyo. Walang mabuting pagtanggap sa kanila. Tunay na sila ay masusunog sa Apoy.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ بَلۡ أَنتُمۡ لَا مَرۡحَبَۢا بِكُمۡۖ أَنتُمۡ قَدَّمۡتُمُوهُ لَنَاۖ فَبِئۡسَ ٱلۡقَرَارُ
Magsasabi sila: “Bagkus kayo! Walang mabuting pagtanggap sa inyo. Kayo ay nagpauna nito sa amin. Kaya kay saklap ang pamamalagian!”
Arabic explanations of the Qur’an:
قَالُواْ رَبَّنَا مَن قَدَّمَ لَنَا هَٰذَا فَزِدۡهُ عَذَابٗا ضِعۡفٗا فِي ٱلنَّارِ
Magsasabi sila: “Panginoon namin, ang sinumang naghain sa amin nito ay magdagdag Ka sa kanya ng isang ibayong pagdurusa sa Apoy.”
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Sād
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close