Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Az-Zumar   Ayah:
أَفَمَن شَرَحَ ٱللَّهُ صَدۡرَهُۥ لِلۡإِسۡلَٰمِ فَهُوَ عَلَىٰ نُورٖ مِّن رَّبِّهِۦۚ فَوَيۡلٞ لِّلۡقَٰسِيَةِ قُلُوبُهُم مِّن ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
Kaya ba ang sinumang nagpaluwag si Allāh sa dibdib niya para sa Islām kaya siya ay nasa isang liwanag mula sa Panginoon niya [ay gaya ng nasa kadiliman]? Kaya kapighatian ay ukol sa matigas ang mga puso nila sa pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱللَّهُ نَزَّلَ أَحۡسَنَ ٱلۡحَدِيثِ كِتَٰبٗا مُّتَشَٰبِهٗا مَّثَانِيَ تَقۡشَعِرُّ مِنۡهُ جُلُودُ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُمۡ ثُمَّ تَلِينُ جُلُودُهُمۡ وَقُلُوبُهُمۡ إِلَىٰ ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُدَى ٱللَّهِ يَهۡدِي بِهِۦ مَن يَشَآءُۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٍ
Si Allāh ay nagbaba ng pinakamaganda sa pag-uusap, na isang Aklat na nagkakawangisan, na nauulit-ulit.[3] Nangingilabot mula rito ang mga balat ng mga natatakot sa Panginoon nila; pagkatapos lumalambot ang mga balat nila at ang mga puso nila sa pagkaalaala kay Allāh. Iyon ay patnubay ni Allāh; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya. Ang sinumang ililigaw ni Allāh [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan] ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay.
[3] Ibig sabihin: nauulit-ulit ang pagsambit ng mga kasaysayan, mga patakaran, mga katwiran, at mga patunay; at inuulit-ulit ang pagbigkas nito.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَفَمَن يَتَّقِي بِوَجۡهِهِۦ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَقِيلَ لِلظَّٰلِمِينَ ذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَكۡسِبُونَ
Kaya ba ang sinumang nagsasangga ng mukha niya sa kasagwaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon [ay gaya ng sinumang pinagiginhawa sa Paraiso]? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan: “Lasapin ninyo ang dati ninyong kinakamit [na kaalanan].”
Arabic explanations of the Qur’an:
كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَأَتَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagpasinungaling ang mga bago pa sa mga [propetang] ito, kaya pumunta sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi sila nakararamdam.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَذَاقَهُمُ ٱللَّهُ ٱلۡخِزۡيَ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Kaya nagpalasap sa kanila si Allāh ng kahihiyan sa buhay na pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na malaki, kung sakaling sila dati ay nakaaalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلَقَدۡ ضَرَبۡنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ مِن كُلِّ مَثَلٖ لَّعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Talaga ngang naglahad Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito ng bawat paghahalintulad nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُرۡءَانًا عَرَبِيًّا غَيۡرَ ذِي عِوَجٖ لَّعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ
Bilang Qur’ān na Arabe na walang isang kabaluktutan nang sa gayon sila mangingilag magkasala.
Arabic explanations of the Qur’an:
ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا رَّجُلٗا فِيهِ شُرَكَآءُ مُتَشَٰكِسُونَ وَرَجُلٗا سَلَمٗا لِّرَجُلٍ هَلۡ يَسۡتَوِيَانِ مَثَلًاۚ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang lalaki na dito ay may [nagmamay-aring] mga magkatambal na nagbabangayan at isang lalaking nakalaan sa isang amo [na nagmamay-ari sa kanya]. Nagkakapantay kaya silang dalawa sa paghahalintulad? Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِنَّكَ مَيِّتٞ وَإِنَّهُم مَّيِّتُونَ
Tunay na ikaw ay mamamatay at tunay na sila ay mga mamamatay.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ إِنَّكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عِندَ رَبِّكُمۡ تَخۡتَصِمُونَ
Pagkatapos tunay na kayo sa Araw ng Pagbangon sa harap ng Panginoon ninyo ay mag-aalitan.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Az-Zumar
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close