Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Ghāfir   Ayah:

Ghāfir

حمٓ
Ḥā. Mīm. [1]
[1] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
Arabic explanations of the Qur’an:
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
Ang pagbababa ng Aklat [na Qur’ān] ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Maalam,
Arabic explanations of the Qur’an:
غَافِرِ ٱلذَّنۢبِ وَقَابِلِ ٱلتَّوۡبِ شَدِيدِ ٱلۡعِقَابِ ذِي ٱلطَّوۡلِۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ إِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ
ang Tagapagpatawad ng pagkakasala, ang Tagatanggap ng pagbabalik-loob, ang Matindi ang parusa, ang May-kaya. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ang kahahantungan.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَا يُجَٰدِلُ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَلَا يَغۡرُرۡكَ تَقَلُّبُهُمۡ فِي ٱلۡبِلَٰدِ
Walang nakikipagtalo hinggil sa mga talata ni Allāh [sa Qur’ān] kundi ang mga tumangging sumampalataya, kaya huwag luminlang sa iyo ang [malayang] paggala-gala nila sa bayan.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَعۡدِهِمۡۖ وَهَمَّتۡ كُلُّ أُمَّةِۭ بِرَسُولِهِمۡ لِيَأۡخُذُوهُۖ وَجَٰدَلُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ لِيُدۡحِضُواْ بِهِ ٱلۡحَقَّ فَأَخَذۡتُهُمۡۖ فَكَيۡفَ كَانَ عِقَابِ
Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe [sa propeta nila] at ang mga [tumatangging sumampalatayang] lapian matapos na nila. Nagbalak ang bawat kalipunan sa sugo nila upang dumaklot sa kanya. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako, [si Allāh,] sa kanila kaya papaano naging ang parusa Ko?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَكَذَٰلِكَ حَقَّتۡ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ
Gayon nagindapat ang salita ng Panginoon mo sa mga tumangging sumampalataya, na sila ay mga maninirahan sa Apoy.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ يَحۡمِلُونَ ٱلۡعَرۡشَ وَمَنۡ حَوۡلَهُۥ يُسَبِّحُونَ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَيُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَيَسۡتَغۡفِرُونَ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْۖ رَبَّنَا وَسِعۡتَ كُلَّ شَيۡءٖ رَّحۡمَةٗ وَعِلۡمٗا فَٱغۡفِرۡ لِلَّذِينَ تَابُواْ وَٱتَّبَعُواْ سَبِيلَكَ وَقِهِمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ
Ang mga [anghel] na nagpapasan ng Trono at ang mga nasa paligid nito ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila, sumasampalataya sa Kanya, at humihingi ng tawad para sa mga sumampalataya, [na nagsasabi]: “Panginoon namin, sumaklaw Ka sa bawat bagay sa awa at kaalaman, kaya magpatawad Ka sa mga nagbalik-loob at sumunod sa landas Mo, at magsanggalang Ka sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Ghāfir
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close