Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Jāthiyah   Ayah:
أَفَرَءَيۡتَ مَنِ ٱتَّخَذَ إِلَٰهَهُۥ هَوَىٰهُ وَأَضَلَّهُ ٱللَّهُ عَلَىٰ عِلۡمٖ وَخَتَمَ عَلَىٰ سَمۡعِهِۦ وَقَلۡبِهِۦ وَجَعَلَ عَلَىٰ بَصَرِهِۦ غِشَٰوَةٗ فَمَن يَهۡدِيهِ مِنۢ بَعۡدِ ٱللَّهِۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Kaya nakakita ka ba sa sinumang gumawa bilang diyos niya sa pithaya niya? Nagligaw rito si Allāh ayon sa kaalaman [dito], nagpinid Siya sa pandinig nito at puso nito, at naglagay Siya sa paningin nito ng isang takip. Kaya sino pa ang papatnubay rito matapos na ni Allāh? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَقَالُواْ مَا هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا يُهۡلِكُنَآ إِلَّا ٱلدَّهۡرُۚ وَمَا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَظُنُّونَ
Nagsabi sila: “Walang iba ito kundi ang buhay namin sa Mundo; namamatay kami at nabubuhay kami, at walang nagpahamak sa amin kundi ang [paglipas ng] panahon.” Walang ukol sa kanila anumang kaalaman hinggil doon [pagkabuhay]. Walang iba sila kundi nagpapalagay.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ مَّا كَانَ حُجَّتَهُمۡ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱئۡتُواْ بِـَٔابَآئِنَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay, walang naging iba ang katwiran nila kundi na nagsabi sila: “Maglahad kayo ng mga [namatay na] ninuno natin kung kayo ay naging mga tapat.”
Arabic explanations of the Qur’an:
قُلِ ٱللَّهُ يُحۡيِيكُمۡ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يَجۡمَعُكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا رَيۡبَ فِيهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Sabihin mo: “Si Allāh ay nagbibigay-buhay sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos magtitipon sa inyo tungo sa Araw ng Pagbangon nang walang pag-aalinlangan doon, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.”
Arabic explanations of the Qur’an:
وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يَوۡمَئِذٖ يَخۡسَرُ ٱلۡمُبۡطِلُونَ
Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, sa Araw na iyon ay malulugi ang mga nagpapabula.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَتَرَىٰ كُلَّ أُمَّةٖ جَاثِيَةٗۚ كُلُّ أُمَّةٖ تُدۡعَىٰٓ إِلَىٰ كِتَٰبِهَا ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Makakikita ka ng bawat kalipunan na nakaluhod. Bawat kalipunan ay tatawagin sa talaan nito: “Ngayong Araw ay gagantihan kayo sa dati ninyong ginagawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
هَٰذَا كِتَٰبُنَا يَنطِقُ عَلَيۡكُم بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّا كُنَّا نَسۡتَنسِخُ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Ito, ang talaan Namin, ay bibigkasin sa inyo ayon sa katotohanan. Tunay na Kami noon [sa pamamagitan ng mga anghel] ay nagtatala ng dati ninyong ginagawa.”
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَيُدۡخِلُهُمۡ رَبُّهُمۡ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡمُبِينُ
Kaya hinggil sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, magpapapasok sa kanila ang Panginoon nila sa awa Niya [sa Paraiso]. Iyon ay ang pagkatamong malinaw.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَفَلَمۡ تَكُنۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡ وَكُنتُمۡ قَوۡمٗا مُّجۡرِمِينَ
Hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya, [sasabihin]: “Hindi ba ang mga talata Ko [sa Qur’ān] ay binibigkas sa inyo ngunit nagmalaki kayo at kayo noon ay mga taong salarin?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا قِيلَ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَٱلسَّاعَةُ لَا رَيۡبَ فِيهَا قُلۡتُم مَّا نَدۡرِي مَا ٱلسَّاعَةُ إِن نَّظُنُّ إِلَّا ظَنّٗا وَمَا نَحۡنُ بِمُسۡتَيۡقِنِينَ
Kapag sinabi: ‘Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo at ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan doon,’ ay nagsasabi kayo: ‘Hindi kami nakababatid kung ano ang Huling Sandali; hindi kami nagpapalagay [na magaganap ito] kundi ng isang pagpapalagay at kami ay hindi mga nakatitiyak.’”
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Jāthiyah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close