Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: Al-Hadīd   Ayah:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلصِّدِّيقُونَۖ وَٱلشُّهَدَآءُ عِندَ رَبِّهِمۡ لَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ وَنُورُهُمۡۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang pabuya nila at ang liwanag nila. Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān], ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞ وَزِينَةٞ وَتَفَاخُرُۢ بَيۡنَكُمۡ وَتَكَاثُرٞ فِي ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَوۡلَٰدِۖ كَمَثَلِ غَيۡثٍ أَعۡجَبَ ٱلۡكُفَّارَ نَبَاتُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصۡفَرّٗا ثُمَّ يَكُونُ حُطَٰمٗاۖ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٞ شَدِيدٞ وَمَغۡفِرَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٞۚ وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا مَتَٰعُ ٱلۡغُرُورِ
Alamin ninyo na ang buhay na pangmundo ay isang laro, isang paglilibang, isang gayak, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo, at isang pagpaparamihan sa mga yaman at mga anak lamang, gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpagalak sa mga tagapagtanim ang halaman nito, pagkatapos nalalanta ito kaya nakikita mo ito na naninilaw, pagkatapos ito ay nagiging mga pira-piraso. Sa Kabilang-buhay ay may isang pagdurusang matindi [para sa mga tagatangging sumampalataya], isang kapatawaran mula kay Allāh, at isang pagkalugod [Niya para sa mga mananampalataya]. Walang iba ang buhay na pangmundo kundi ang natatamasa ng pagkalinlang.
Arabic explanations of the Qur’an:
سَابِقُوٓاْ إِلَىٰ مَغۡفِرَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ وَجَنَّةٍ عَرۡضُهَا كَعَرۡضِ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ أُعِدَّتۡ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۚ ذَٰلِكَ فَضۡلُ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ
Makipag-unahan kayo tungo sa isang kapatawaran mula sa Panginoon ninyo at isang paraiso na ang luwang nito ay gaya ng luwang [sa pagitan] ng langit at lupa, na inihanda para sa mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Iyon ay ang kabutihang-loob ni Allāh, na ibinibigay Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.
Arabic explanations of the Qur’an:
مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِيٓ أَنفُسِكُمۡ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مِّن قَبۡلِ أَن نَّبۡرَأَهَآۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Walang tumamang anumang kasawian sa lupa ni sa mga sarili ninyo malibang nasa isang talaan bago pa Kami lumalang niyon. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.
Arabic explanations of the Qur’an:
لِّكَيۡلَا تَأۡسَوۡاْ عَلَىٰ مَا فَاتَكُمۡ وَلَا تَفۡرَحُواْ بِمَآ ءَاتَىٰكُمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالٖ فَخُورٍ
[Iyon ay] upang hindi kayo magdalamhati sa anumang nakaalpas sa inyo at hindi kayo matuwa sa anumang ibinigay Niya sa inyo. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat hambog na mayabang.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلَّذِينَ يَبۡخَلُونَ وَيَأۡمُرُونَ ٱلنَّاسَ بِٱلۡبُخۡلِۗ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Ang mga nagmamaramot at nag-uutos sa mga tao ng pagmamaramot [ay mga lugi]. Ang sinumang tatalikod, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: Al-Hadīd
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close