Check out the new design

Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center * - Translations’ Index

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Translation of the meanings Surah: At-Tawbah   Ayah:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قَٰتِلُواْ ٱلَّذِينَ يَلُونَكُم مِّنَ ٱلۡكُفَّارِ وَلۡيَجِدُواْ فِيكُمۡ غِلۡظَةٗۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ
O mga sumampalataya, makipaglaban kayo sa mga nalalapit sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya [na kumakalaban sa inyo] at makatagpo sila sa inyo ng kabagsikan. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama sa mga tagapangilag magkasala.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا مَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٞ فَمِنۡهُم مَّن يَقُولُ أَيُّكُمۡ زَادَتۡهُ هَٰذِهِۦٓ إِيمَٰنٗاۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ فَزَادَتۡهُمۡ إِيمَٰنٗا وَهُمۡ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Kapag may pinababa na isang kabanata [ng Qur’ān] ay mayroon sa kanila na nagsasabi: “Alin sa inyo ang nakadagdag sa kanya ito ng pananampalataya?” Kaya tungkol sa mga sumampalataya, nakadagdag ito sa kanila ng pananampalataya habang sila ay nagagalak.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ فَزَادَتۡهُمۡ رِجۡسًا إِلَىٰ رِجۡسِهِمۡ وَمَاتُواْ وَهُمۡ كَٰفِرُونَ
Hinggil naman sa mga nasa mga puso nila ay may sakit, nakadagdag ito sa kanila ng kasalaulaan sa [dating] kasalaulaan nila at namatay sila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya.
Arabic explanations of the Qur’an:
أَوَلَا يَرَوۡنَ أَنَّهُمۡ يُفۡتَنُونَ فِي كُلِّ عَامٖ مَّرَّةً أَوۡ مَرَّتَيۡنِ ثُمَّ لَا يَتُوبُونَ وَلَا هُمۡ يَذَّكَّرُونَ
Hindi ba sila nakakikita na sila ay sinusubok sa bawat taon nang isang ulit o dalawang ulit, pagkatapos, hindi nagbabalik-loob, ni sila ay nagsasaalaala?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَإِذَا مَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٞ نَّظَرَ بَعۡضُهُمۡ إِلَىٰ بَعۡضٍ هَلۡ يَرَىٰكُم مِّنۡ أَحَدٖ ثُمَّ ٱنصَرَفُواْۚ صَرَفَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُم بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَفۡقَهُونَ
Kapag may pinababa na isang kabanata [ng Qur’ān] ay tumitingin ang iba sa kanila sa iba, [na nagtatanong]: “May nakakikita kaya sa inyo na isa man?” pagkatapos lumilisan sila. Naglihis si Allāh sa mga puso nila dahil sila ay mga taong hindi umuunawa.
Arabic explanations of the Qur’an:
لَقَدۡ جَآءَكُمۡ رَسُولٞ مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ عَزِيزٌ عَلَيۡهِ مَا عَنِتُّمۡ حَرِيصٌ عَلَيۡكُم بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ رَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقُلۡ حَسۡبِيَ ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُۖ وَهُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ
Ngunit kung tumalikod sila[19] ay sabihin mo: “Kasapatan sa akin si Allāh. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ako nanalig. Siya ay ang Panginoon ng tronong dakila.”
[19] Ibig sabihin: ang mga tagapagtambal at ang mga mapagpaimbabaw.
Arabic explanations of the Qur’an:
 
Translation of the meanings Surah: At-Tawbah
Surahs’ Index Page Number
 
Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Translations’ Index

translated by Rowwad Translation Center, in cooperation with the Islamic Propagation Office in Rabwah and the Association for Serving Islamic Content in Languages.

close