Check out the new design

Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Capítulo: Al-Maaida   Versículo:
أُحِلَّ لَكُمۡ صَيۡدُ ٱلۡبَحۡرِ وَطَعَامُهُۥ مَتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِلسَّيَّارَةِۖ وَحُرِّمَ عَلَيۡكُمۡ صَيۡدُ ٱلۡبَرِّ مَا دُمۡتُمۡ حُرُمٗاۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
Nagpahintulot si Allāh para sa inyo ng panghuhuli ng mga hayop na pantubig at ng anumang ibinubuga ng dagat para sa inyo buhay man o patay bilang kapakinabangan para sa sinumang kabilang sa inyo na isang nanunuluyan o isang naglalakbay, na magbabaon nito. Nagbawal Siya sa inyo ng nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām ng ḥajj o `umrah. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya lamang ay ang panunumbalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.
Las Exégesis Árabes:
۞ جَعَلَ ٱللَّهُ ٱلۡكَعۡبَةَ ٱلۡبَيۡتَ ٱلۡحَرَامَ قِيَٰمٗا لِّلنَّاسِ وَٱلشَّهۡرَ ٱلۡحَرَامَ وَٱلۡهَدۡيَ وَٱلۡقَلَٰٓئِدَۚ ذَٰلِكَ لِتَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَأَنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ
Ginawa ni Allāh ang Ka’bah, ang Bahay na binanal, bilang pagpapanatili para sa mga tao. Nagpapanatili ito ng mga kapakanan nilang panrelihiyon gaya ng pagdarasal, ḥajj, at `umrah, at ng mga kapakanan nilang pangmundo sa pamamagitan ng katiwasayan sa Ḥaram at ng pagkalap ng mga bunga ng bawat bagay patungo roon. Ginawa Niya ang mga buwang pinakababanal: ang Dhulqa`dah, ang Dhulḥijjah, ang Muḥarram, at ang Rajab bilang pagpapanatili para sa kanila dahil sa katiwasayan nila roon laban sa pakikipaglaban sa kanila ng iba ba sa kanila. [Ginawa Niya] ang alay at ang mga hayop na nakakuwintas na nagpapahiwatig na ang mga ito ay inaakay patungo sa Ḥaram bilang pagpapanatili para sa kanila dahil sa katiwasayan ng mga may-ari ng mga ito laban sa pagsasailalim sa kanila sa isang kapinsalaan. Yaong ipinagmagandang-loob ni Allāh sa inyo ay upang makaalam kayo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa, at na si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam sapagkat tunay na ang pagsasabatas Niya para roon para magkamit ng mga kapakanan para sa inyo at magtulak ng mga kapinsalaan palayo sa inyo bago mangyari ang mga ito ay isang patunay sa kaalaman Niya sa nakabubuti para sa mga tao.
Las Exégesis Árabes:
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ وَأَنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Alamin ninyo, O mga tao, na si Allāh ay matindi ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya, Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob, Maawain dito.
Las Exégesis Árabes:
مَّا عَلَى ٱلرَّسُولِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تُبۡدُونَ وَمَا تَكۡتُمُونَ
Walang tungkulin ang Sugo kundi ang pagpapaabot sa anumang ipinag-utos sa kanya ni Allāh na ipaabot niya kaya naman wala sa kanya ang pagtutuon sa mga tao tungo sa kapatnubayan sapagkat iyon ay nasa kamay ni Allāh lamang. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang ikinukubli ninyo na kapatnubayan o pagkaligaw. Gaganti Siya sa inyo roon.
Las Exégesis Árabes:
قُل لَّا يَسۡتَوِي ٱلۡخَبِيثُ وَٱلطَّيِّبُ وَلَوۡ أَعۡجَبَكَ كَثۡرَةُ ٱلۡخَبِيثِۚ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "Hindi pumapantay ang karima-rimarim mula sa bawat bagay sa kaaya-aya mula sa bawat bagay, kahit pa man nagpahanga sa iyo ang dami ng karima-rimarim sapagkat tunay na ang dami nito ay hindi nagpapatunay sa kainaman nito." Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may mga pang-unawa, sa pamamagitan ng pag-iwan sa karima-rimarim at ng paggawa ng kaaya-aya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng Paraiso.
Las Exégesis Árabes:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَسۡـَٔلُواْ عَنۡ أَشۡيَآءَ إِن تُبۡدَ لَكُمۡ تَسُؤۡكُمۡ وَإِن تَسۡـَٔلُواْ عَنۡهَا حِينَ يُنَزَّلُ ٱلۡقُرۡءَانُ تُبۡدَ لَكُمۡ عَفَا ٱللَّهُ عَنۡهَاۗ وَٱللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٞ
O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong sa Sugo ninyo tungkol sa mga bagay na walang pangangailangan para sa inyo sa mga ito at hindi kabilang sa nakatutulong sa inyo sa nauukol sa relihiyon ninyo. Kung ilalantad ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob ninyo ang mga ito dahil sa taglay ng mga ito na hirap. Kung magtatanong kayo tungkol sa mga bagay na ito, na sinaway kayo sa pagtatanong tungkol sa mga ito sa sandaling bumababa ang pagkakasi sa Sugo, ay pinaglilinaw ang mga ito sa inyo. Iyon kay Allāh ay madali. Nagpalampas nga si Allāh sa mga bagay na nanahimik tungkol sa mga ito ang Qur'ān kaya huwag kayong magtanong tungkol sa mga ito sapagkat tunay na kayo, kung nagtanong kayo tungkol sa mga ito, ay bababaan ng pag-aatang sa kahatulan ng mga ito. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kapag nagbalik-loob sila, Matimpiin sa pagpaparusa sa kanila dahil sa mga ito.
Las Exégesis Árabes:
قَدۡ سَأَلَهَا قَوۡمٞ مِّن قَبۡلِكُمۡ ثُمَّ أَصۡبَحُواْ بِهَا كَٰفِرِينَ
May nagtanong ng tungkol sa tulad ng mga ito, na mga tao kabilang sa nauna sa inyo, ngunit noong inatangan sila ng mga ito ay hindi sila nagsagawa sa mga ito, saka sila ay naging mga tagatangging sumampalataya dahilan sa mga ito.
Las Exégesis Árabes:
مَا جَعَلَ ٱللَّهُ مِنۢ بَحِيرَةٖ وَلَا سَآئِبَةٖ وَلَا وَصِيلَةٖ وَلَا حَامٖ وَلَٰكِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۖ وَأَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ
Nagpahintulot si Allāh ng mga hayupan sapagkat hindi Siya nagbawal mula sa mga ito ng ipinagbawal ng mga tagapagtambal sa mga sarili nila para sa mga anito nila, na kabilang [sa mga ito] ang baḥīrah, na babaing kamelyo na pinuputol ang tainga nito kapag nakapagsilang ng isang takdang bilang; ang sā’ibah, na babaing kamelyo na kapag umabot sa isang takdang edad ay iniiwan sa mga anito nila; ang waṣīlah, na babaing kamelyo na nagpapatuloy ang pagsisilang sa isang babae matapos ng isang babae; ang ḥāmī, na lalaking kamelyo kapag nagkaanak mula sa sarili ng isang bilang ng mga kamelyo. Subalit ang mga tagatangging sumampalataya ay nag-akala ng isang kasinungalingan at paninirang-puri na si Allāh ay nagbawal sa mga nabanggit. Ang higit na marami sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi nakatatalos sa pagkakaiba sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan, at ng ipinahintulot at ipinagbabawal.
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• الأصل في شعائر الله تعالى أنها جاءت لتحقيق مصالح العباد الدنيوية والأخروية، ودفع المضار عنهم.
Ang pangunahing panuntunan sa mga gawaing pagsamba kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ay na ang mga ito ay umiral para sa pagsasakatuparan ng mga kapakanan ng mga tao na pangmundo at pangkabilang-buhay at sa pagtutulak sa mga nakapipinsala palayo sa kanila.

• عدم الإعجاب بالكثرة، فإنّ كثرة الشيء ليست دليلًا على حِلِّه أو طِيبه، وإنما الدليل يكمن في الحكم الشرعي.
Ang hindi paghanga sa dami sapagkat tunay ang dami ng anuman ay hindi isang patunay sa pagpapahihintulot dito o pagkakaaya-aya nito. Ang patunay ay nakasalalay lamang sa kahatulan ng Batas ng Islām.

• من أدب المُسْتفتي: تقييد السؤال بحدود معينة، فلا يسوغ السؤال عما لا حاجة للمرء ولا غرض له فيه.
Kabilang sa mabuting asal ng nagpapatagubilin ay ang paglilimita sa tanong sa mga takdang hangganan sapagkat hindi nababagay ang pagtatanong tungkol sa anumang walang pangangailangan para sa tao ni layon para sa kanya roon.

• ذم مسالك المشركين فيما اخترعوه وزعموه من محرمات الأنعام ك: البَحِيرة، والسائبة، والوصِيلة، والحامي.
Ang pagpula sa mga kalakaran ng mga tagapagtambal kaugnay sa ginawa-gawa nila at inakala nila na mga ipinagbabawal sa mga hayupan gaya ng baḥīrah, sā’ibah, waṣīlah, at ḥāmī.

 
Traducción de significados Capítulo: Al-Maaida
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Emitido por el Centro Tafsir de Estudios Coránicos.

Cerrar