Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán * - Índice de traducciones


Traducción de significados Versículo: (50) Capítulo: Sura Al-Maaida
أَفَحُكۡمَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ يَبۡغُونَۚ وَمَنۡ أَحۡسَنُ مِنَ ٱللَّهِ حُكۡمٗا لِّقَوۡمٖ يُوقِنُونَ
Umaayaw ba sila sa paghatol mo habang humihiling ng paghatol ng mga alagad ng Kamangmangan kabilang sa mga mananamba ng mga diyus-diyusan, na mga humahatol bilang pagsunod sa mga pithaya nila? Walang isang higit na magaling sa paghatol kaysa kay Allāh sa ganang mga alagad ng katiyakan, na mga nakauunawa buhat kay Allāh ng pinababa sa Sugo Niya, hindi mga alagad ng kamangmangan at mga pithaya na walang tinatanggap kundi ang umaalinsunod sa mga pithaya nila kahit pa ito ay kabulaanan.
Las Exégesis Árabes:
Beneficios de los versículos de esta página:
• الأنبياء متفقون في أصول الدين مع وجود بعض الفروق بين شرائعهم في الفروع.
Ang mga propeta ay nagkakaisa sa mga pangunahing simulain ng relihiyon kalakip ng pag-iral ng ilan sa mga pagkakaiba sa pagitan ng mga batas nila kaugnay sa mga sangay.

• وجوب تحكيم شرع الله والإعراض عمّا عداه من الأهواء.
Ang pagkatungkulin ng pagsasakahatulan ng Batas ni Allāh at ang pag-ayaw sa anumang iba pa rito na mga pithaya.

• ذم التحاكم إلى أحكام أهل الجاهلية وأعرافهم.
Ang pagpula sa pagpapahatol sa mga patakaran ng mga alagad ng Kamangmangan at sa mga kaugalian nila.

 
Traducción de significados Versículo: (50) Capítulo: Sura Al-Maaida
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán - Índice de traducciones

Traducción al filipino (tagalo) del Mujtasar para la Exégesis del Sagrado Corán. Emitido por el Centro Tafsir para los estudios coránicos

Cerrar