Check out the new design

Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Centro Rowad At-Taryama * - Índice de traducciones

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traducción de significados Capítulo: Hud   Versículo:

Hūd

الٓرۚ كِتَٰبٌ أُحۡكِمَتۡ ءَايَٰتُهُۥ ثُمَّ فُصِّلَتۡ مِن لَّدُنۡ حَكِيمٍ خَبِيرٍ
Alif. Lām. Rā’.[1] [Ito ay] isang Aklat na pinahusay ang mga talata nito, pagkatapos dinetalye mula sa panig ng isang Marunong, isang Mapagbatid.
[1] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
Las Exégesis Árabes:
أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَۚ إِنَّنِي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ وَبَشِيرٞ
[Ipinasasabi sa Sugo:] “Na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak.”
Las Exégesis Árabes:
وَأَنِ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِ يُمَتِّعۡكُم مَّتَٰعًا حَسَنًا إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى وَيُؤۡتِ كُلَّ ذِي فَضۡلٖ فَضۡلَهُۥۖ وَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٖ كَبِيرٍ
[Ipinasasabi sa Sugo:] “Na humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magpapatamasa Siya sa inyo ng isang natatamasang maganda hanggang sa isang taning na tinukoy at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob ng kabutihang-loob dito. Kung tatalikod kayo, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng pagdurusa sa isang araw na malaki.
Las Exégesis Árabes:
إِلَى ٱللَّهِ مَرۡجِعُكُمۡۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Tungo kay Allāh ang babalikan ninyo. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.”
Las Exégesis Árabes:
أَلَآ إِنَّهُمۡ يَثۡنُونَ صُدُورَهُمۡ لِيَسۡتَخۡفُواْ مِنۡهُۚ أَلَا حِينَ يَسۡتَغۡشُونَ ثِيَابَهُمۡ يَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Pansinin, tunay na sila ay nagtatakip ng mga dibdib nila upang makapagkubli sila [ng pagdududa] mula sa Kanya.[2] Pansinin, kapag nagpapabalot sila ng mga kasuutan nila ay nakaaalam Siya sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
[2] O Pansinin, tunay na sila ay naglilihis ng mga dibdib nila upang makapagkubli sila mula sa Kanya. Pansinin, tunay na sila ay nagkikimkim ng ngitngit sa mga dibdib nila upang maikubli nila mula sa Kanya.
Las Exégesis Árabes:
 
Traducción de significados Capítulo: Hud
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Centro Rowad At-Taryama - Índice de traducciones

Traducida por el equipo del Centro Rowad At-Taryamah en cooperación con la Asociación de Dawah en Rabwa y la Asociación para el Servicio del Contenido Islámico en Idiomas.

Cerrar