Check out the new design

Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Centro Rowad At-Taryama * - Índice de traducciones

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traducción de significados Capítulo: Hud   Versículo:
وَيَصۡنَعُ ٱلۡفُلۡكَ وَكُلَّمَا مَرَّ عَلَيۡهِ مَلَأٞ مِّن قَوۡمِهِۦ سَخِرُواْ مِنۡهُۚ قَالَ إِن تَسۡخَرُواْ مِنَّا فَإِنَّا نَسۡخَرُ مِنكُمۡ كَمَا تَسۡخَرُونَ
Yumayari siya[9] ng daong. Sa tuwing may napadaan sa kanya na isang konseho kabilang sa mga tao niya ay nanunuya sila sa kanya. Nagsabi siya: “Kung nanunuya kayo sa amin, tunay na kami ay manunuya sa inyo kung paanong nanunuya kayo,
[9] Ibig sabihin: si Noe.
Las Exégesis Árabes:
فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيۡهِ عَذَابٞ مُّقِيمٌ
saka makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at dadapuan ng isang pagdurusang mananatili.”
Las Exégesis Árabes:
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَمۡرُنَا وَفَارَ ٱلتَّنُّورُ قُلۡنَا ٱحۡمِلۡ فِيهَا مِن كُلّٖ زَوۡجَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِ وَأَهۡلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيۡهِ ٱلۡقَوۡلُ وَمَنۡ ءَامَنَۚ وَمَآ ءَامَنَ مَعَهُۥٓ إِلَّا قَلِيلٞ
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating ang utos Namin at nagsambulat [ng tubig] ang pugon ay nagsabi Kami: “Maglulan ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares [na lalaki at babae], ng mag-anak mo – maliban sa nauna sa kanya ang hatol – at ng sinumang sumampalataya.” Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunti.
Las Exégesis Árabes:
۞ وَقَالَ ٱرۡكَبُواْ فِيهَا بِسۡمِ ٱللَّهِ مَجۡر۪ىٰهَا وَمُرۡسَىٰهَآۚ إِنَّ رَبِّي لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ
Nagsabi siya: “Sumakay kayo rito; sa ngalan ni Allāh ang paglalayag nito at ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Mapagpatawad, Maawain.”
Las Exégesis Árabes:
وَهِيَ تَجۡرِي بِهِمۡ فِي مَوۡجٖ كَٱلۡجِبَالِ وَنَادَىٰ نُوحٌ ٱبۡنَهُۥ وَكَانَ فِي مَعۡزِلٖ يَٰبُنَيَّ ٱرۡكَب مَّعَنَا وَلَا تَكُن مَّعَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Ito ay naglayag lulan sila sa mga alon na gaya ng mga bundok. Nanawagan si Noe sa anak niya habang ito ay nasa pinaglayuan [nito]: “O anak ko, sumakay ka kasama sa amin at huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.”
Las Exégesis Árabes:
قَالَ سَـَٔاوِيٓ إِلَىٰ جَبَلٖ يَعۡصِمُنِي مِنَ ٱلۡمَآءِۚ قَالَ لَا عَاصِمَ ٱلۡيَوۡمَ مِنۡ أَمۡرِ ٱللَّهِ إِلَّا مَن رَّحِمَۚ وَحَالَ بَيۡنَهُمَا ٱلۡمَوۡجُ فَكَانَ مِنَ ٱلۡمُغۡرَقِينَ
Nagsabi ito: “Kakanlong ako sa isang bundok na magsasanggalang sa akin laban sa tubig.” Nagsabi siya: “Walang tagapagsanggalang sa araw na ito laban sa pasya ni Allāh maliban sa kinaawaan Niya.” Humarang sa pagitan nilang dalawa ang mga alon, kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod.
Las Exégesis Árabes:
وَقِيلَ يَٰٓأَرۡضُ ٱبۡلَعِي مَآءَكِ وَيَٰسَمَآءُ أَقۡلِعِي وَغِيضَ ٱلۡمَآءُ وَقُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ وَٱسۡتَوَتۡ عَلَى ٱلۡجُودِيِّۖ وَقِيلَ بُعۡدٗا لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Sinabi: “O lupa, lulunin mo ang tubig mo; o langit, pigilin mo [ang ulan].” Pinahupa ang tubig, natapos ang pasya, at lumuklok ito sa ibabaw ng [bundok ng] Jūdīy. Sinabi: “Kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
Las Exégesis Árabes:
وَنَادَىٰ نُوحٞ رَّبَّهُۥ فَقَالَ رَبِّ إِنَّ ٱبۡنِي مِنۡ أَهۡلِي وَإِنَّ وَعۡدَكَ ٱلۡحَقُّ وَأَنتَ أَحۡكَمُ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Nanawagan si Noe sa Panginoon niya saka nagsabi: “O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko. Tunay na ang pangako Mo ay ang totoo. Ikaw ay ang pinakatagahatol sa mga tagahatol.”
Las Exégesis Árabes:
 
Traducción de significados Capítulo: Hud
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Centro Rowad At-Taryama - Índice de traducciones

Traducida por el equipo del Centro Rowad Al-Taryamah en cooperación con la Asociación de Dawah en Rabwa y la Asociación para el Servicio del Contenido Islámico en Idiomas.

Cerrar